Chapter 33. [Torn]

91.3K 1.9K 330
                                    

Sorry for the late update. :( Bear with me, please! Thank you. <3

So, anong team na kayo? Team Blaycee or Team Chriscee? Place your bets! =))

------------------

KAYCEE'S POV

Nakakainis. Hindi matigil 'tong luha sa mata ko. Napuwing kasi ako eh. Nakakainis.

Pero sino nga ba ang niloko ko? Napuwing? What a lame excuse. Alam ko naman kung bakit ako umiiyak ng ganito eh.

Ang tanga-tanga ko. Hindi ko kaagad nakita na gusto ko na pala siya. Paano ba 'to mawawala?

Nakakainis ka Kaycee! Bakit ngayon pa?

Sige, sabihin na nating gusto 'daw' ako ni Blake. Pero hanggang ngayon ba, ganun pa rin? Hinalikan niya si Kim diba? Hinalikan niya EX-GIRLFRIEND niya.

Ex-girlfriend niya na bumalik para mapasa-kanya ulit si Blake.

Nararamdaman ko rin kasi na may chance na magkabalikan sila. Hinalikan ni Blake si Kim. Nakita ko yun. Siya mismo. Wag mong sabihing napilitan lang siya dun. Dahil sa kahit anong anggulo mong tignan...

Mukhang mahal niya pa rin si Kim.

Natatawa na lang ako. Ang tanga ko! Pakipot pa ako. Sinasabi ko na hindi ako magkakagusto kay Blake, pero ano bang nangyari sakin?

Nahulog ako sa kanya.

Mahirap pala yun. Yung tipong hindi mo naman gustong mahulog sa bangin, pero wala eh. Mahuhulog ka at mahuhulog dahil ang clumsy mong tao.

Parang ako. Ang clumsy ko. Ang clumsy ng puso kong 'to. Nahulog sa taong hindi naman sigurado kung kaya akong saluhin ng buong-buo.

Ang unexpected naman kasi eh! Dapat mawala 'tong feelings ko. Dapat 'to mawala.

Nagpunas ako ng luha. Pero hindi pa rin matapos yung iyak ko. Kaycee, ano ba! Wag ka ngang magpakabaliw dyan!

"Kaycee."

The Young Master's Maid (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon