Chapter 18

10.5K 289 20
                                    

Alexandra/Lexi's POV

"Oo nga, pero halata namang curious ka lang."

Ganun lang ba tingin niya sakin? Curious lang?

Hindi ba ako pwede magkagusto sa taong gusto ko talaga?

Curious lang ba ako sakanya? Hindi ko alam.

Ang alam ko lang gusto ko siya kahit bwisit siya kasi napakamahid niya.

Bahala siya, hindi ko siya papansinin.

Pinaasa niya pa ako kanina sa canteen!

Nung hinawakan niya kamay ko, akala ko sasabihin niyang ako gusto niya.

Pero sabi niya lang ang bilis ko maglakad!

Hindi ko talaga siya papansinin!

Umupo na ako sa upuan ko at umupo siya sa tabi ko.

Nakakainis, gusto ko siya malayo. Bakit kasi magkatabi pa kami?!

Oo kinikilig ako, pero galit ako sakanya. Bawal muna kiligin.

"Bat antahimik mo?" Tanong niya.

Hindi ko siya pinansin at nagcellphone lang ako.

Pero deep inside... gusto ko lang siyang yakapin at hampasin kasi ang manhid niya.

"Sungit." Sabi niya at pinisil pisngi ko.

Naiinis ako pag ginagawa sakin yun pero kapag siya gustong gusto ko.

"Don't touch me." Sabi ko.

Napapangiti na siya at alam kong natatawa na.

Natatawa na rin ako pero galit pa ako kaya suyuin niya ko.

"May pa-english si mayora." Sabi niya at natawa na.

Tawang-tawa na rin ako kaya tinalikuran ko siya.

"Wag mong ipakita dibdib mo sakin!" Sabi niya at hindi na tawa ang ginawa niya. Halakhak na.

Ponyeta ka Gabe.

Porket flat ako gaganyanin mo na ako.

Lalo ko siyang hindi pinansin kahit naiiyak na siya kakatawa.

Kinakalabit niya rin ako pero bahala siya dalawng beses  niya na akong inaasar.

"Sorry na." Sabi niya at niyakap ako sa bewang.

Shet omg!!!

"Sorry na kung nagalit ka kahit sa totoo lang di ko alam kung bakit ka galit. Basta ang alam ko lang galit ka." Sabi niya.

Humarap na ako sakanya.

Ok na yun, nagsorry na siya at alam niyang ako ang boss at under ko lang siya hehe.

Kailan kaya ako liligawan netong babaeng to.

Pa hard to get kaya ako.

Feeling kulangot ako eh.

"Ge. Ok na." Sabi ko.

Pabebe muna.

"Sus gusto mo lang magpayakap sakin noh?" Sabi niya at nakapang-asar na ngiti.

"Ang kapal mo. Kinabahan mga encylopedia at dictionary sa library sayo." Sabi ko.

"Hahahahaha!" Sabi niya lang.

Wala na ayoko na magpabebe.

Ang cute niya di ko mapigilan na yakapin siya.

At niyakap ko siya.

Napatigil naman siya sa pagtawa.

Yan buti nga.

Kiligin ka jan bahala ka.

At inalis ko na rin pagkakayakap ko sakanya.

Hmm.

"Kinilig ka noh?" Sabi ko.

"Hindi noh. Yakapin pa kita eh." Sabi niya.

"Kaya pala namumula tenga mo." Sabi ko.

"Kinamot ko kasi!" Mabilis niyang sagot at medyo tinataasan na ako ng boses.

"Bakit ang defensive mo? HAHAHAHA." Sabi ko.

"Hindi ah! Nagsasabi lang!" Sabi niya.

Feel ko ako crush netong panget na ito. Pero ayoko muna umasa baka masaktan ako.

Tsaka kung ako nga, sabihin niya at ligawan niya ko.

"Okay." Sabi ko at binelatan siya. 😜

"Good morning class." Sabi ng teacher namin at natigil na pag-uusap namin. Tinignan ko siya at nahuli akong nakatingin niya sakin.

Patingim-tingin ka pa sa malayo at pa look up look up ka pa eh alam ko namang nakatingin ka sakin Gabriel.

Masaya na rin akong malaman na may effect ako sakanya at hindi lang ako wala lang sa buhay niya.

Unang Tingin (gxg) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon