EULII13

5.8K 174 6
                                    

-

"Eul... mahal na mahal kita"

-

Third Person's POV

"Babe, are you... okay?" May pagaalinlangang tanong ni Kean sa katabi niyang si Eul na nakatitig sa kawalan habang hinihimas ang palasinsingang daliri niya. Napansin ni Kean na kanina pa wala sa sarili si Eul. Ni hindi niya alam kung naiintindihan nga ba ni Eul ang pinapanood nila.

Nang kausapin siya ng nobyo ay bumalik ang kaniyang wisyo at napatingin kay Kean.

"Huh?" Taka namang sagot ni Eul sa nobyo. Hindi niya narinig ang sinabi ni Kean.

"I asked you if you're okay..." mahinanong sagot ni Kean. Tumango lang si Eul.

Hinawakan sa mga kamay ng mahigpit ni Kean si Eul at masugid na ngumiti. "Babe, I know you're tired and stressed. I just want you to know that I'm here, always beside you"

Nang sabihin iyon ni Kean, hinalikan niya sa noo si Eul at inihilig ang ulo nito sa kaniya. Sumunod lang si Eul sa nobyo.

Maya-maya'y narinig nila ang sunod-sunod na katok mula sa pinto ng kwarto ni Eul.

"Come in---" sabi lang ni Kean kahit na sa pinanonood parin nila siya naka-tuon.

"---sorry to interrupt you, lovi-labs-bird... si ano kasi... si Ms. Alex daw yun... nandoon kasi sa labas" biglang sabi ni Sheena mula sa labas.

Informal man, hindi na iyon pinansin ni Kean dahil alam niyang kung sisitahin niya si Sheena, baka magaway pa sila ng nobyo.

"Okay, lalabas nalang kami."

-

Lumabas mula sa kwarto ni Eul sina Eul at Kean na magka-holding hands na tinatahak ang daan pababa.

Naka-jogging pants pa si Eul at damit na may mahabang mangas dahil sa kagustuhan ni Kean na magpalit ito.

Dumiretso sila sa Receiving Area ng mansion. Naabutan nila roon ang may katangkarang babae, maganda ang hubog ng katawan. Bagsak at diretso ang buhok. Pasok sa panlasa nila ang pananamit nito.

Sa kabilang dako, nang makita ang dalawang kliyente ay hindi niya maiwasang hindi matuwa sa nakikita.

Ang isa sa pinaka-mayayamang tao sa buong Pilipinas ay nasa harap niya kasama ang nobyo nitong ubod ng kagwapuhan. Inayos niya ang salamin niya at napalunok nang makita ang magka-holding hands na mga kamay nito.

Sa tagal niya sa industriya, ngayon lang siya makakapag-coordinate ng parehas na lalaki na mag-partner.

"Good morning soon-to-be-married couple!" Bungad ni Alex Laxamana, wedding coordinator nina Eul at Kean. Kabado man, pinilit niya na pakalmahin ang kaniyang boses at umasta bilang professional.

"Mr. Pangilinan and---Mr. Espinosa... take a look here-" sunod na sabi ni Alex. "---napili ko iyan base narin sa gusto niyong styles and genre." sabi pang muli nito.

"Last time, when I check your assistant's e-mail, which states your favorites, I include them all here... look---" Tumango-tango lamang ang mag-nobyo habang tinitignan ng masugid ang mga binigay ni Ms. Alex na pictures for motif at design.

"What is your wedding's target date by the way?" Tanong muli nito.

Napatigil si Eul sa pagtingin sa mga litrato at napalingon sa kaniyang nobyo na ngayon ay nakatingin na rin sa kaniya.

"We have here, the 1st, 8th, 15th, 22nd and 29th sunday of the month of July. We have only a month to prepare for your wedding" sabi muli nito sabay turo sa mga araw sa kaniyang kalendaryo.

"And... you have your target countries, France, United States, Thailand, Europe, Belgium---"

"We'll stick to US." Sabi lang ni Kean.

Tumango si Ms. Alex at ngumiti. "Okay... I chose this---" sabay pakita ng litrato ng malaking simbahan. "This church, perfect venue for elegance and grandeur wedding for the two of you" sabi pa muli nito.

"Look babe, I can see you there... walking at the entrance" sabi ni Kean. Ngumiti lang sa kaniya si Eul. Humigpit ang kapit ni Kean sa nobyo. "I'm excited!" Sabi pa muli nito.

"And here---" sabi muli ni Alex sabay abot sa marami pang mga litrato.

-

"Babe, ayan ka nanaman... bakit ba parang ang tamlay mo?" Sita ni Kean sa nobyo pagpasok nila sa kwarto. Matapos kasi noong umalis si Alex, muling tumamlay ang mukha ni Eul.

Hinawakan ni Kean sa pisngi si Eul at agarang hinalikan ito sa labi. Ngumiti si Kean matapos noon. Inalalayan ang nobyo pa-upo sa kama.

"Kean, babe do you think we have the perfect timing? I mean, sigurado na ba talaga tayo?" Tanong ni Eul pagupo niya sa kama.

Nasa harap niya si Kean na nakatayo at nakatingin pababa sa kaniya. Saglit na kumunot ang noo ni Kean sa pagkalito dahil sa tinuran ni Eul.

Ngumiti si Kean at lumuhod upang ma-ipantay ang sarili sa nobyo at tinitigan ito sa mga mata.

"Babe, we've been waiting for this moment. Sobrang tagal nating naghintay... look, isipin mo nalang, pano pag tumanda kang binata at hindi mo napangasawa ang sobrang poging lalaki na tulad ko? Baka magsisi ka" pagkuway na turan ni Kean. Ngumisi siya at niyakap ng mahigpit ang nobyo sabay bulong.

"Ako kasi, iniisip ko palang na hindi kita mapapangasawa, parang guguho ang mundo ko... Eul, kung ano man 'yang kinababahala mo, mawawala rin iyan 'pag kinasal na tayo..." makabuluhang bulong ni Kean sabay halik sa leeg nito.

Patuloy lang ang mararahang paghalik hanggang sa mapunta sa kanilang mga labi.

Parehas na nagsasalo sa init ng kanilang mga labi. Marahang naglalakbay ang kanang kamay ni Kean sa likod ni Eul at ang kaliwang kamay nito ay nasa batok ng nobyo upang mas dumiin ang halik.

"Eul... I love you..." mahinang sabi ni Kean sa nobyo nang makakuha ng sandali upang magsalita sa pagitan ng halikan nila.

"I love you too" bulong lamang ni Eul.

Sa sandaling nagkatitigan ang dalawa, natulak agad ni Kean si Eul pahiga sa kama at mabilis na dumagan si Kean habang nagsasalo parin sa init ng kanilang halikan.

"Babe... hindi kita pakakawalan..." turan ni Kean.

Mariin at maingat ang pang-aangkin ni Kean sa nobyo. Maingat ang bawat galaw... puno ng pagmamahal.

Sa gabing iyon, napuno ng ungol at galaw ng pagmamahal ang buong kwarto ni Eul.

"Eul... mahal na mahal kita" bulong ni Kean bago makatulog habang yakap ang nobyo.

-

Itutuloy

-

EUL II - Revenge [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon