Track 9: Bad Day

27.6K 1K 399
                                    


Melody's Point of View


I thought I was ready for today's humiliation but I guess I'm not. Pakiramdam ko sobrang pula na ng buong mukha ko. Damay na rin pati ang tenga ko.

I focused my eyes on the floor as I listen to our mentor. All eyes are on me since I'm standing in front of the whole class. Hindi ba pwedeng kainin na ako ng sahig kasi nakakahiya na talaga?

Naghanda naman ako. I even rehearsed with Ingrid. She's satisfied with my intonation, my voice, my diction – everything. Heck, I am even satisfied with myself. Kaya lang –

"Are you listening, Ms. Santillan?"

From the floor, I shifted my gaze to our mentor who's sitting at the front row. Wrong move pero sadyang kailangan. Paniguradong lalo akong mapapagalitan kapag hindi ako tumingin.

It's a different thing to feel eyes on me and seeing my classmates actually staring at me.

"Yes, ma'am."

"This is the third time I asked you to repeat that scene. Third time. Umandar na karamihan sa mga kaklase mo pero ikaw nandyan pa rin. Tingin mo ba joke lang ang subject ko?"

I gulped and shook my head. "No, ma'am."

"Then why didn't I see any improvement from your performance? Are you really practicing?" I was about to say yes when she waved my hand to dismiss me. "Sa tingin ko hindi. You're still going to perform the same scene at the next meeting. And I better see some improvement. Okay, next!"

I sighed and walked back to my seat in the middle of the class. When I sat beside Ingrid, she tapped my hand to comfort me. All I could do was sigh.

Tiningnan ko ang nagpeperform sa unahan. Si Ysabella. She's so confident kaya ang ganda ng pagkakadeliver niya ng bawat lines.

Kapag inis, inis talaga. Kapag malungkot, malungkot talaga. Kapag masaya, halata na masaya siya. At nagawa niya lahat ng 'yon ng isahang subok lang.

Buti pa siya.

Tumango ang mentor namin at senyales 'yon na natuwa siya sa performance ni Ysabella. Nagsasalita lang ang mentor namin kapag nagtuturo o papagalitan kami. Pero once hindi siya nagsalita sa performance mo, alam mong nasatisfy siya sa ginawa mo.

Kaya ang daldal niya kapag ako ang nasa unahan. Kasi sobrang unsatisfied siya.

"Did you read the next scene?"

Tumango si Ysabella. "I did, ma'am."

"Continue with that scene."

Woah. She's more than satisfied sa performance ni Ysabella since she asked her to continue the scene kahit hindi pa naman talaga siya nakasched doon. Wow.

Habang pinapanood ko siya ay mas lalo lang akong humanga. Hindi pa niya dapat ipeperform ang scene na 'yon pero nagawa niya 'yon nang mabuti.

Ako nga stuck sa isang scene for 3 sessions. Four na next session tapos siya two sessions lang naka three scenes na. Wow.

Pagkatapos ni Ysabella, karamihan sa mga kaklase ko ay natapos din sa isang scene. Siguro dalawa o tatlo lang kaming uulit next week. Good job, Melody.

Nang magdismiss ang mentor ay inuntog ko ang ulo ko sa desk nang paulit-ulit. Sana makalimutan ko ang araw na 'to. Sana hindi ko maalala ang kahihiyan na nangyari sa akin ngayon.

"Itigil mo 'yan. Walang ginagawa sa 'yo ang lamesa," tapik sa akin ni Ingrid.

Hindi ako umayos ng upo pero tiningnan ko siya. Nakadikit ang mukha ko sa lamesa at nakasimangot.

And They Say...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon