Fifteen Point Two

1.6K 43 0
                                    

HALOS nalibot ni Jane ang buong bahay pero wala si Pierre. Bumalik ang dalagita sa silid ni Pierre Jr para magtanong. Ang pasyente niya ang huling kausap ni Pierre kaya ito ang naisip niyang balikan. Umalis ang daddy nito ayon kay Pierre Jr, sa bayan ang punta.

Miss mo agad? nabasa ni Jane sa screen ng iPad, nakatingin sa mukha niya si Pierre Jr na nakahiga sa kama at walang kakilos-kilos. Ang ama ang tinutukoy nito na 'miss na niya agad.'

"May mga itatanong lang ako, Jay," ang sinabi ni Jane, hindi pinansin ang tanong nito. "Tungkol sa ating tatlo..." mas pinili ng dalagita na hindi na banggitin kay Pierre Jr ang detalye ng mga narinig niya sa dalawang matanda. Hindi pa niya naiintindihan talaga lahat kaya mas mabuting itikom na lang niya ang bibig at baka maling impormasyon pa ang maipasa niya.

Nagpasya si Jane na hindi na magtagal sa silid ni Pierre Jr. Nagsusulat pa ito sa iPad ay nagpaalam na siya. Nagkulong lang siya nang mahabang sandali sa silid nila ni Pierre at tumitig sa kisame. Gusto sana niyang buksan ang old box at basahin ang iba pang sulat pero natakot si Jane. Baka kung ano na naman ang makita niya. Mas panatag siyang basahin ang mga sulat na iyon kung kasama niya si Pierre. Nawawala ang takot niya tuwing nasa silid ang lalaki.

Pero nang palubog na ang araw at wala pa rin si Pierre ay nagpasya nang lumabas ng silid si Jane. Dumeretso siya sa hagdan pababa, tumuloy sa back door at lumabas sa likod—at naabutan ni Jane na nakatayo si Pierre sa tapat mismo ng space na kinaroroonan ng duyan pagsapit ng hatinggabi.

Naging mabilis ang mga hakbang ni Jane palapit sa lalaki.


Marked Hearts (COMPLETED.Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon