Chapter 20

11.7K 306 31
                                    

(Patugtugin ang Ikaw Lamang by Silent Sanctuary)

Pauwi na kami ni Lexi.

Bago umuwi pumunta muna kami sa maliit na mall.

Nilibre ko siya sa mang inasal.

Batak pala tong babae na to sa unli rice. Said na said yung tatlong kanin.

"Salamat ah. Sa panlilibre." Sabi niya at parang nahihiya.

"Wala yun." Sabi ko.

Nilibre ko siya kasi... ewan ko rin. Feeling ko kasi kailangan kong bumawi sa kanya sa di malamang dahilan.

Habang naglalakad kami tahimik lang at walang imikan.

Komportable naman yung katahimikan at hindi awkward. Yun ang huli kong gustong mangyari samin ni Lexi. Ang maging awkard sa isa't isa.

Kaya hindi ko masabi sakanya na gusto ko siya kasi baka layuan niya ko.

Baka gaya lang din siya ng ibang babae na iiwan lang ako at papaasahin.

Hindi ako handang mawala yung friendship namin dahil lang sa feelings na to.

"Bat ka nakatingin sakin?" Tanong niya.

Lagot. Di ko namalayan na nakatingin lang pala ako sakanya.

"Wala lang." Sabi ko.

"Lahat ng bagay sa mundo may dahilan Gabe." Sabi niya at tumingin palayo.

"Pag kasama kita, di ko na kailangan ng kung anu anong dahilan, kasi ikaw na mundo ko."

Sabihin ko na ba sakanya yon?

"Pag--"

"GABE!!! MUSTA NA?!" Pasigaw na sinabi ni Gale mula sa kabilang kalsada.

Sa lahat ba naman ng oras na meron ako sa mundong to bakit ngayon pa?!

Kung kelan sasahihin ko na?!

Pero... san ako humugot ng lakas ng loob para sabihin sakanya yon? Astig.

Tumakbo si Gale mula sa kabilang kalsada at umapir sa akin.

"Nice one Gabe. Sinong tong minalas at na scam mo? Wag ka maniwala sa networking na sinasabi neto." Sabi ni Gale habang nakatingin kay Lexi.

Mental note: patayin si gale habang tulog

"Lex, si Gale kaibigan ko. Wag mong gaanong pansinin sinasabi kasi yung turnilyo niyan sa utak lumuwag kaya nalaglag. Kaya nga nandito yan hinahanap niya eh." Sabi ko at natawa kaming dalawa ni Lexi.

"Eto na ba yung crush mo Gabe? May kinukwento sakin yan, may crush daw siya Lexi pangalan. Iniisip niya raw yun tuwing ga---" sabi ni Gale.

"Sinungaling ka. Ilang buwan na nga tayong hindi nag-uusap." Sabi ko at humarap kay Lexi. "Sakin ka maniwala Lexi." Sabi ko at pinisil pisngi niya.

"Ayoko sayo, pinipisil mo pisngi ko." Sabi ni Lexi.

"Ouch! Hindi pa nanliligaw nabasted na! HAHAHAHA" sabi ni Gale. "Ayos lang yan, may kakilala akong chix. Sagot na kita. 150 per night."

"Chix hanap ko hindi callgirl!" Sabi ko.

Nagtawanan kaming tatlo at panay asar lang sa amin si Gale. Kay Lexi parang wala lang natatawa lang siya.

Sa tingin ko nababasa ni Gale ang isip ko alam niyang gusto ko si Lexi.

"Kailan mo sasagutin tong si Gabe? Tagal na netong single ah. Panat na to eh matanda na." Sabi niya.

Unang Tingin (gxg) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon