Chapter 29: Leaving Soon?

12 0 0
                                    

JEMI POV
2 araw na ang nakalipas at hindi kami tumitigil sa pag bisita kay Dane. Nasa school ako ngayon dahil may klase at hindi kami pwede umabsent dahil mga projects na ngayon at malapit na ang graduation.

Buti na lang malapit na ang uwian.

Gumagawa kami ng mga flowers made of crystals. Buo-buo at dinurog na tawas ito. Pinagdidikit-dikit lang namin yung mga naform na shapes.

"Bibigay ko to kay Dane." Sabi ko kina Christinne. Ka-grupo ko sila, pati si Karlos at Jonathan. Make your own group eh.

"Lahat to bigay natin sa kanya." Sabi naman ni Karlos.

"Parang dati, galit na galit ka sa kanya  Christinne ah." Sabi ko while making my crystal.

"Dati yon kasi iniwan ka niya. Maiintindihan ko rin ang reason niya someday at dahil naging part siya ng buhay mo, we all will take care of him."

I understand her. Mahirap naman talagang intindihin pero kailangan mo lang talaga ipilit yung sarili mo na intindihin para hindi na lumala yung sitwasyon.

The bell rang at buti na lang tapos nako.

"Okay class, for those who aren't finished yet, please pass it tomorrow. Class dismissed."

Tumayo na ko hawak ang bulaklak ko. Nakadikit ito sa isang parang barbeque stick para mukhang flower talaga. Hahawakan ko lang to hanggang makapunta sa ospital tutal didiretcho naman kami.

Naglalakad na kami sa hallway nina Jonathan nang mag-ring ang phone ko.

Si Tita Pearl pala. Buti na lang binigay ni Kuya number niya sakin.

"Yes po? Papunta na po kami Tita." Sabi ko. Nakakaexcite ibigay tong flower kay Dane.

"Jemi!" Isang malakas na hagulgol at nakakatakot na iyak ang bumungad sakin.

Nanginig ang buong sistema ko.

"P-po? Ayos lang po ba kayo?" Tanong ko. Hinawakan ko ng mabuti ang phone ko sa tenga kasi nanginginig ang kamay ko.

"Jemi! Si Dane! Ang anak ko!" Sigaw ni Tita. Naiiyak na ko. Anong nangyayare? Ayokong pangunahan ang sarili ko.

"Bakit po? M-magaling na p-po ba siya?" Halos manginignginig na ang boses ko.

Napapatingin na nga sakin sina Christinne.

"Wala na ang anak ko! Wala na si Prince Dane!"

Ilang segundong tumigil ang mundo ko. Unti-unting bumagsak ang mga tuhod ko at parang nawalan ako ng pandinig.

May sinasabi pa si Tita Pearl pero hindi ko na maintindihan. Nabitawan ko ang phone ko at naramdaman ko si Jonathan sa gilid ko.

He was asking me something pero hindi ko marinig. Para akong nabingi.

Nang maproseso lahat ng narinig ko sa isip ko, doon lang ako nakaramdam ng sakit. Ang sakit. Parang tinusok tusok ang puso ko. Napakapit na lang ako sa dibdib ko.

Sobrang daming luha ang gustong kumawala sa mga mata ko kaya hinayaan ko.

Pinabayaan ko ang sarili ko na mag-wala at umiyak. Niyakap na lang ako nina Jonathan.

Alam ng school na na-ospital si Dane at yung mga estudyante na nakatingin samin ngayon, mukhang nakuha na kung bakit ako nagkaka-ganito.

Biglang dumilim ang aura ng school.

"O-ospital. K-kail-langan nating p-pumunta s-sa ospital."

Tumayo kagad ako at tumakbo. Muntikan pakong madulas.

Hindi na ako sumakay sa kotche basta dire-diretcho akong tumakbo.

Hindi ko alam na kaya kong tumakbo ng ganto kabilis. Hindi naman ganon kalayuan ang ospital mula sa school kaya nakarating kagad ako.

Pag-dating ko sa room, nasa labas si Tita Pearl hawak si Diana na pilit na umiyak.

Tumingin ako sa loob at ang daming doktor doon na nagkakagulo.

They're trying to revive him.

Lalo akong naiyak. May isang doktor na nakapansin sakin at hinatak naman ako nito palabas.

Natahimik nanaman ang mundo ko. Napasabunot na lang ako sa sarili ko. Nakakatakot na iyak at sigaw ang pinapalabas ni Tita Pearl habang si Diana ay hawak ni Christinne, hindi alam ang nangyayari.

"Jemi!"

"Jemi!"

"Jeminhaie!"

Napatigil ako sa pag-iyak at napatingin sa lalakeng nasa harap ko.

"Jemi, look at me. Look at me." Hinawakan ni Jonathan ang magkabilang balikat ko at ihinarap ako sa kanya.

"Everything will be okay. Have trust in him. If he's determined to live, he will finish this. Wag ka na umiyak please." Niyakap ako ni Jonathan kaya lalo akong naiyak. Napakapit ako ng mabuti sa kanya.

"Jonathan, Dane is my bestfriend from the start. Ayokong mawala siya dahil bestfriend ko siya. Hindi dahil mahal ko pa siya." I tried to make things clear kasi ramdam ko na ang higpit ng yakap ni Jonathan sakin.

Lumabas ang isa sa doktor na mukhang galing sa gera. Saludo talaga ako sa mga doctor.

"Ms. Samares, I mean Mrs. Pascual, your son had a heart failure, but we managed to make it rise again. We will have to take him to the ICU para ma-obserbahan ang cancer cells niya. He will undergo narin sa therapy in the next 2 days as you suggested." Paliwanag ng doctor.

Naka-hinga naman ako ng medyo maluwag pero hindi naman sinabi ng doctor kung ligtas na si Dane.

"Ligtas na po ba siya?" Tanong ko.

"Sa ngayon, stable na siya at nagpapahinga. So masasabi kong ligtas na siya, sa ngayon." At pagkatapos ay umalis na siya at sumunod na ang ibang doctor.

"Oh my God. Salamat Jemi. Salamat." Lumapit sakin si Tita Pearl at niyakap ako. Sobrang lakas ng tibok ng puso kanina, pakiramdam ko lalabas ito mula sa dibdib ko.

"Salamat at nandito kayo. Salamat talaga." Niyakap kami lahat ni Tita Pearl.

"Mommy, ano po nangyayare kay Kuya Dane?" Inosenteng tanong ni Diana.

Lumuhod si Tita Pearl at hinimas ang buhok niya. "Gagaling na si Kuya Dane baby. Malapit na."

Tinignan ko si Dane mula sa bintana ng kwarto. Konting tiis na lang Dane. Wag kang bibitaw sa laban mo. Nandito lang kami.

Beauty And A BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon