Chapter 11 - Start the Chase

260K 7.5K 1.8K
                                    

A/N

Hi guys! Guess what story ang mapupublish na as a book? :))

By the way, maikli lang po muna ang update ha? :( I'll be out of town kasi at walang internet connection doon :( Sa kuweba po kasi ako pupunta (joke).

-Onneechan

CHAPTER 11

=x=x=x ALEXANDER x=x=x=

"Anong ibig sabihin niyan?" tanong ni Louisse. May mga numero na nakasulat sa bawat lugar na binilugan ng pulang marker.

"Hindi ba halata Louisse?" mahinang tanong ko. "Nararamdaman kong kay Rhianne 'to. A.L.M. yung nakasulat sa harap ng notebook diba? Alexander, Louisse at Maxwell. Baka gusto ni Rhianne na makita natin 'tong notebook na 'to."

"Ibig mo sabihin, gusto niyang puntahan 'tong mga lugar na binilugan niya?" tanong ni Maxwell.

"Precisely." sabi ni Alexander. "At ang may number 1 sa map ay ang bahay ampunan sa tabi ng university natin."

"Sigurado ba kayong kay Rhianne 'yan? Baka sa kumuha kay Rhianne 'yan..." sabi naman ni Louisse.

"I highly doubt that Louisse. Tagong tago ito sa ilalim ng kama ni Rhianne." sabi ko. Tumayo si Louisse at nilabas niya ang phone niya.

"Well, tatawagan ko na si Detective Joan at sasabihin ko sa kanya ang nahanap natin." sabi niya.

"Wait.." napatingin kami kay Maxwell. "Naisip ko lang.. wag na muna sana natin isali si Detective Joan at yung iba pa.."

"Ha? Bakit?" nagtatakang tanong ni Louisse. Bumuntong hininga si Maxwell.

"Ayoko silang madamay." sabi niya. "Madadamay lang sila pag sinama pa natin sila."

=x=x=x MAXWELL x=x=x=

"I assume that all of you are fully aware na namove ang schedule ng play natin." galit na sabi ni Prof. "We only have 2 weeks. At hindi pa nga tayo nangangalahati sa script. Palaging nagkakamali si Maxwell!"

Nagtinginan naman sila saken. Yumuko naman ako. Bakit ba kasi ako pa yung ginawa nilang bida?

"Kaya simula bukas, hanggang 9:00 pm na yung practice natin sa Auditorium." narinig kong nagreklamo nang pabulong yung mga kaklase ko. Yung iba naman ay tumingin ng masama saken. Si Ella naman ay nginitian lang ako.

"Class dismiss." Lumabas na ako kaagad ng classroom. Tinignan ko yung phone ko at nabasa ko kaagad yung text ni Louisse na dumiretso daw kagad sa school gate after ng classes.

"Hi Maxwell.." Sinimangutan ko yung humarang sa akin. Sino nga pala ito? Nakalimutan ko na.

"Julia Lacson, remember?" sabi niya. Oo nga pala. Yung babaeng nakita ko sa library. Nag-nod lang ako sa kanya bilang response at nilagpasan ko na siya.

"Maxwell!" Lumingon ako sa likod ko.

"Shane.." sabi ko. "Bakit?"

"Ano... kasi..." yumuko siya. "May nalaman o nahanap na ba kayo tungkol kay Rhianne?"

Ayoko madamay pa si Shane sa amin.

"W-Wala.." Umalis na ako kaagad sa harap niya. Paglabas ko ng school gate ay nandoon na kaagad sina Louisse at Alexander.

"Tara na?" Naglakad na kami sa bahay ampunan na katabi lang ng school namin. Pagpasok namin ay puro nagtatakbuhang mga bata ang nakita namin. Nilapitan kami kaagad ng matandang babae. Mukhang siya ang may-ari ng orphanage na ito.

"Ano ang kailangan ninyo?" nginitian kami ng matanda. "Ako nga pala si Diana. Lola Diana nalang ang itawag ninyo sa akin."

"Hello po Lola Diana.." masayang sabi ni Louisse. "May itatanong lang po sana kami sa inyo."

"Aba'y umupo muna kayo sa opisina ko." naglakad si Lola Diana papunta sa isang kwarto at sinundan namin siya. Sinara niya ang pinto at pinaupo kami sa mahabang sofa na katapat ng lamesa yata niya. Inalok niya kami ng cookies na nakapatong sa lamesa.

"Ano ba ang maipaglilingkod ko sa inyo?" tanong niya. "Mag-aampon ba kayo? Naku. Masyado pa kayong bata para mang-ampon."

"Hindi po!" natatawang sabi ni Louisse. "May itatanong lang po kami."

"Ano ba ang itatanong niyo iha?"

"Kilala niyo po ba si Rhianne Cortes?" diretsong tanong ni Alexander. Nakita kong nawala ang ngiti ni Lola Diana. Pero bumalik rin agad.

"Oo naman. Halos dito na lumaki ang batang iyon." nakangiting sabi ni Lola Diana.

Narinig kong nagulat si Louisse.

"Ibig pong sabihin... ampon si Rhianne?" tanong ko. Bakit hindi ko alam?

"Naku, hindi. Hindi niyo ba alam? Ang pamilya ni Rhianne ang sponsor ng orphanage na ito. Madalas siyang dalhin dito ng tatay niya noong bata pa siya." ngumiti nanaman si Lola Diana. Nagkatinginan kaming tatlo. Bakit kami dinala ni Rhianne dito? Bakit niya binilugan ang lugar na ito? Anong meron dito?

"Ang nakakalungkot lang ay..." napatingin kami nang magsalit muli si Lola Diana. "Tumigil na siya sa pagpunta dito simula noong high school na siya. Nalungkot tuloy si--"

Napatingin kami sa pinto dahil may biglang pumasok.

Napatayo kaming tatlo. Anong ginagawa niya dito?

"Shane?"

___________________________________________________________

Special Section 2 (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon