Chapter 37: So Close

51.4K 878 72
                                    

Chapter 37: So Close

Tama ba yung rinig ko? Imposible. Hindi siya pupunta ngayon. Mama na niya mismo ang nagsabi. Ano ngayon ang ginagawa niya dito? Hindi naman sa bawal siyang pumunta, pero noong narinig ko yung pangalan niya, biglang nagwala yung puso ko.

Stop it, Sofia. Hindi dapat nagwawala yang puso mo. Calm down. Inhale, exhale.

Nagawa ko namang pakalmahin yung sarili ko. Ilang deep breaths nga lang ang kinailangan ko. Feeling ko magha-hyperventilate ako. Pangalan pa lang niya yung naririnig ko, ganito na agad ang reaksyon ko.

Umakyat siya ng stage at noong tumama yung spotlight sa kanya at pakiramdam ko hindi ako makahinga. Balewala yung deep breaths ko kanina. Pakiramdam ko mamamatay na ako. At hindi ako nage-exaggerate. Kahit anong gawin ko, hindi ko maipagkakailang magandang lalaki siya. Katulad lang naman ng sa ibang mga lalaki yung suot niya, three pice suit, pero kapag siya ang nagdala, ang gandang tignan. Kahit anong pilit kong ilayo ang tingin ko, hindi ko magawa. Ngayon ko lang uli siya tinitigan. Marami namang taong nakatingin kaya, sasamantalahin ko na.

Nilagyan nila ng sash ang Senior Prom King tapos may nag-abot uli ng envelope sa emcee.

"I have here the envelope for the Senior Prom Queen! Let us see who the lucky girl is," binuksan niya ang hawak niyang envelope. "Our Senior Prom Queen is no other than Ms. Mariel Venny Gonzales!"

Tumayo si Venny na nasa isang table malayo sa amin. Abot hanggang tenga yung ngiti niya tapos tinatakluban pa niya yung mukha niya na parang nahihiya siya. Naglakad siya papuntang stage. pero ang nakapagtatakang ginawa niya ay imbis na sa aisle siya dumaan ay doon siya naglakad kung saan dinaanan niya ang table ko. Idinampi niya ang kamay niya sa balikat ko noong natapat siya sa akin.

Ano naman 'yon? Sinasabi ko sa inyo hindi ko na kilala si Venny nitong mga nakaraang araw.

Noong natapos yung pagkokorona sa kanila, sumayaw ang mga couple sa gitna. Gusto kong tignan silang lahat pero yung mata ko ayaw makisama. Nakatingin lang ito sa Senior Prom King and Queen. Nakayukom na yung palad ko noong nakita kong hinigpitan ni Venny yang pagkakalagay ng braso nito sa leeg ng kasayaw. Kulang na lang magpabuhat siya eh.

Eh bakit ba ako bothered?

Hindi ko na matiis yung nangyayari sa akin kaya nagpunta ako ng CR. Doon na lang muna nga makatambay, may couch naman eh. Buti at konti lang ang tao ngayon. Yung mga babae kasi panigurado nagbakasakali na yung pangalan nila ay nasa loob ng isa sa mga envelope na 'yon.

Mula sa clutch ko, kinuha ko yung iPod ko at nakinig na lang ng music. Mas gusto kong pakinggan ito kaysa sa magulong isip ko.

Mga bente minuto na ang nakalipas, nasa CR pa din ako. Pero hindi rin nagtagal, may sumundo na sa akin.

Bumukas yung pinto ng CR at pinasok ni Dan Gab yung ulo niya, habang yung kamay niya, nakatakip sa mata niya. "Good evening ladies!" Madaming mga babae ang tumili. "Huwag kayong mag-alala! Walang butas itong pagkakatakip ng kamay ko, hindi ko kayo nakikita. Bibilisan ko lang ito dahil baka may makakitang teacher sa akin. Nandito ba si Sofia Paula Quintos? Kung nandiyan siya, pakilabas naman. Kung ayaw niyang lumabas, papasok talaga ako sa CR, magka-offense man ako o hindi!" Saka siya lumabas.

Yung mga nakakakilala sa akin, kung makatingin parang makakapatay eh. Hindi ba dapat natututwa sila't halos pumasok na si Dan Gab sa loob? Sa bagay, ito na nga lang ang sanctuary nila, syempre ayaw nila ng may lalaki sa loob.

Kumatok si Dan Gab sa pinto. "Thirty seconds!"

Mas madami ng mata ang bumaling sa akin.

Itinaas ko yung kamay ko in surrender. "Okay! Sorry! Chill lang kayo, lalabas na."

LimerenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon