Chapter 39: Pangako

54.4K 910 55
                                    

Chapter 39: Pangako

“Just a few reminders for tomorrow…” Nagsimula nang isa-isahin ng Principal namin yung mga kailangan namin tandaan para sa graduation namin bukas.

Wow, graduation na namin bukas. Ang bilis ng panahon. Parang kelan lang kakasimula pa lang ng klase tapos ngayon biglang BOOM! graduation na. Nagkakaroon tuloy ako ng feeling ng nostalgia. Pero hindi muna ngayon. May bukas pa. Bukas na lang.

Pagkatapos ng mga paalala ng principal namin syempre dismissal na. Pinuntahan ko si Inna para ayain siyang gumala. Bago pa man ako makarating sa pwesto niya, hinarangan na agad ako—ni Dan Gab at ni King. Nagtataka ako sa kanila at kung bakit magkasama sila ngayon. Itatanong ko na sana sa kanila kaso naunahan ako.

“Anong ginagawa mo dito, Rodriguez?” Sinusukat ni Dan Gab ng tingin ang tinanong.

“Ikaw? Bakit ka nandito?” Aba. Ngayon lang ako naka-encounter ng mga lalaking bitch. Laking hirap ang pinagdaanan ko para lang pigilan yung ngiting nagbabadya sa labi ko.

“Ang huling pagkakaalam ko, this is a free country. Pwede akong pumunta kahit saan,” sagot ng isa.

“Ayon naman pala eh. Edi malaya din akong pumunta dito.”

Hindi na sumagot si Dan Gab pero hindi pa din niya inalis yung tingin kay King. Ganoon din naman si King kay Dan Gab. Mukhang oras na para pumagitna.

“Ano bang kailangan niyong dalawa?”

Sabay silang tumingin sa’kin.  “Sofia,” sabay din nilang tawag sa akin.

Hindi ko alam kung sino yung uunahin kong kausapin sa dalawa. “Ano?” Yun na lang ang sabi ko. Bahala na kung sinong unang kakausap.

Tinanggal ni King yung bag niya sa likod at may kinuha dito. Yung libro ko na pinasulatan kahapon. “Nagsulat na ‘ko.”

Kinuha ko ito ay inalapit sa dibdib ko. “Salamat.”

Nakatayo siya doon, nakapasok yung dalawang kamay sa bulsa ng khaki pants niya, na parang may gusto pa siyang sabihin. Pero naisip niya siguro na hindi naman gano’n kaimportante yung sasabihin niya kasi isinukbit na nya yung bag niya. “Sige Sofia. Mauna na ako. Ingat ka na lang pauwi.”

“Sige, ikaw din.”

Ngumiti siya at umalis, iniwan kami ni Dan Gab. Maya-maya lang, lumapit si Inna kasunod yung mga kaibigan ni Dan Gab sa amin.

“Tara, uwi na tayo,” aya ni Inna.

“Sige, tara.” Kinuha ko yung bag ko at akmang paalis na kaso pinigilan ako ni Dan Gab.

Hinila niya yung braso ko, “Sandali lang, ‘di mo man lang ba aalamin kung bakit ako nakipagtitigan kay King kanina?”

LimerenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon