Happy Teachers' Day!

7.9K 43 28
                                    

Siguro'y nagtataka kayo kung bakit nasa harapan niyo ko.
Mayroon kasi akong munting regalo na iaalay sa inyo.
Hindi ito magarbo, ngunit ibinuhos ko dito ang aking puso.
Kaya sana'y magustuhan ninyo ang piyesang ito.

Ilang buwan pa lamang ang nakalilipas, ngunit parang taon na.
Parang taon na dahil matatag at masaya na ang ating pagsasama.
At dahil dito, batid kong maraming beses na namin pinainit ang inyong ulo.
Kung kaya't nais sana namin humingi na tawad at pasensya sa inyo.

Pasensya na po kung kami'y maiingay.
Pasensya na po kung kami'y mga pasaway.
Pasensya na po kung minsan nalilimutan namin ang salitang "RESPETO".
Pasensya na po kung palagi kami nagbibigay ng sakit ng ulo.

Pasensya na po kung hindi kami nakikinig sa inyong mga payo.
Pasensya na po kung palagi kaming magugulo.
Pasensya na po kung hindi kami sumusunod sa inyong mga salita't paalala.
Hayaan niyo po na kahit paunti-unti, makabawi kami sa mga nagawa naming mali at masama.

Sana mapatawad niyo po kami sa mga nagawa naming mali.
Umaasa po kami na mapintahan namin ng ngiti ngayon ang inyong mga labi.
Mapintahan ng ngiti sa pamamagitan ng munting palabas na ito.
Sapagkat nais naming maiparating kung gaano kalaki ang pasasalamat namin sa inyo.

Salamat sa walang sawa niyong pagtuturo sa amin.
Dahil kung hindi dahil sa inyo, marahil ay kaunti pa rin ang alam namin.
Salamat sa inyong mga payo at mga paalala.
Salamat sa pag-gabay sa amin at pag-aalala.

Hindi man literal, kayo'y para na rin aming mga ama at ina.
Parang mga magulang na pinapangaralan kami at tinuturuan tungkol sa iba't-ibang mga paksa.
Matematika, Agham, Ingles, Filipino, o di kaya'y tungkol sa organsasyon.
Mga bagay na kailangan naming matutunan upang makasabay sa agos ng panahon.

Kaya salamat aming minamahal na mga guro.
Salamat, salamat, salamat sa lahat ng inyong mga itinuturo.
Pasensya na po kung minsa'y matitigas ang aming mga ulo.
Ngunit kahit na ganun, nais naming malaman niyo na MAHAL NA MAHAL NAMIN KAYO!

Sana'y nagustuhan niyo ang tulang inalay ko.
Sana'y magustuhan niyo ang munti naming regalo.
Muli maraming salamat sa walang sawa niyong pagtuturo.
Happy Teachers' Day po, pinakamamahal naming mga guro!

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon