Kabanata 27

329 14 0
                                    

Shizuka


          Napakunot ang noo ko ng mapansing ngiting ngiti na nakatingin sakin si Honoka.

          "Nabaliw ka ba dahil sa mga nangyari kanina?" tanong ko sa kaniya. Mabilis siyang humarang sa daan ko ngunit nagpatuloy ako sa paglalakad dahilan para maglakad siya ng patalikod habang nakaharap sakin.

          "Hindi naman hehe."

          Napabuntong hininga ako. Ayoko ng ngiti niya. Parang may iba siyang pinaplano o iniisip. At sa inaakto niya ngayon, parang walang nangyari kanina. Parang wala sa panganib ang buhay ng pamilya niya.

          Patungo na kami ngayon sa bundok ng Liname kung nasaan ang mga lamia, sorcerer at si Alexis. Mabuti nalang at nakapagdala si Chase ng mapa kanina na nakaipit sa damit na ibinigay niya kay Noah, mas napadali ang pagpunta namin sa pugad ng mga kalaban.

          Si Daisuke ang nangunguna sa paglalakad at siya ang may hawak na mapa. Kasunod niya ang kanina pang tahimik na si Hikari, at si prinsipe Sheun na patuloy na kinukulit ang mahahalatang inis na kapatid. At si Honoka, tila ako pa ata ang balak inisin.

          Hindi ko nalang pinansin si Honoka at nagpatuloy sa paglalakad. Iniisip ko kasi lahat ng sinabi ni Jewel at haring Alfonso bago kami umalis ng kahariang Menshin. Iniisip ko rin ang tungkol kay Alexis. Kung sakali ngang siya ang kumuha kila Tiya Megumi, anong gagawin ko sa kaniya? Papatayin ko ba agad siya kahit na wala siyang ginawang masama sakin? P-pero... si Tiya Megumi.. sigurado akong siya at hindi si tiyo Zach ang itinuturo ng mapa. Bilang parte ng grupong Naoshin, siguradong napakarami niyang alam sa Nirvana. At isa pa.. noong una kaming nagkita. Kakaiba na agad ang naramdaman ko sa kaniya. Makapangyarihan siya.

          "Shizuka."

          Napatingin ako kay Honoka ng marinig ko ang pagkaseryoso sa boses niya. Umalis siya sa harapan ko at sumabay sa paglalakad ko.

          "Ano mang mangyari... huwag mong papaslangin si Alexis."

          "Huh?"

          Nakangiting tinignan niya ko. "Nais kong ako ang pumaslang sa kaniya.. iyun ay kung totoong siya ang kumuha sa magulang ko."

          Alam ko ang pakiramdam ng ilayo ang mahalaga sayo ng mga kalaban mo, kaya naiintindihan ko si Honoka. Tulad ng nangyari sa akin noong inilayo si Noah ng mga lamia... pinaslang ko lahat. Lahat ng pumigil sakin.

          "Pero paano kung hindi?" tanong ko.

          Itinaas niya ang kanang nakakuyom na kamao. "Ipakita mo sa kaniya ang tunay na lakas na Fudoshin."

          Napailing iling nalang ako dahil sa sinabi niya. Tunay na lakas? Ngunit ang mga nagagawa ko ay hindi pa tunay at kalahati palang ng totoo kong lakas.

          "At isa pa nga pala Shizuka."

          "Hmmm?"

          "Huwag ka sanang magpadalos-dalos sa gagawin mong kilos."

          T-teka..

          "Kay Hulyo, kay Huakin, kay Gerno. Ang mga lalaking nakasagupa mo. Pinaslang mo sila dahil sa galit mo at hindi naisip na maaring makatulong ang kaalaman nila at koneksyon nila sa mga kalaban. Kung hindi si Alexis ang kumuha sa magulang ko. Ipakita mo ang lakas mo... nang dahan-dahan hanggang sa kusa siyang sumuko."

          Napabuntong hininga nalang ako dahil sa mga sinabi ni Honoka. Yeah right Honoka, sayo pa talaga nanggaling ang mga salitang 'Huwag magpadalos-dalos' ah.

Nirvana IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon