Chapter 2

19K 449 23
                                    

ALTAIR

Ngayon na ang unang araw ng pasokan dito sa Elemental Gunji-teki Academy. Kaya naman ay maaga kaming papasok ni Eunice para makapili pa kami ng aming magiging pwesto.

Habang naglalakad kami papuntang classroom namin, binasa ko ulit ang liham na binigay sa amin kagabi.

"Eunice," tawag ko sa kaniya.

"Hmm?"

"Anong strand nga pala tayo? Napansin ko kasi na walang may nakasulat na strand sa letter natin. Tsaka hindi rin Grade 11 ang nakasulat. '1-A' lang. Anong ibig sabihin nito?"

Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako. Hinarap niya ako.

"Alam mo kasi, walang strand-strand dito. Walang STEM, walang HUMSS, walang GAS at kung ano-ano pa."

"H-Ha?" Iyan din yung sabi ni papa sa akin.

Lumapit siya sa akin. "Sinabihan na kita sa ilang impormasyon ng paaralang ito diba?"

Nagpakurap-kurap lang ako.

"Iba ang sinusunod dito. May tatlong taon tayo rito. Dahil training ang sa atin. Training," aniya at pinagdiinan pa niya ang salitang 'training'. "Oh siya! Tara na. Baka maunahan tayong makapili ng pwesto."

Pagkarating namin sa classroom, umupo kami sa bandang likuran. Marami nang studyante rito na classmate namin at tila magkakakilala na sila dahil nagkakausap-usap sila sa isa't isa.

Bigla namang tumahimik ang lahat ng biglang bumukas ang pinto at may pumasok na tatlong lalaki. Siguro classmate namin to.

Unang pumasok ay yung lalaki na masasabi kong may hitsura at makisig. Ang kaso, mukhang isnabero. Umupo siya sa unahan ko na bakanteng upuan. Pero bago siya umupo, nag tama ang mata namin.

Cold. Expressionless. At bigla akong nangilabot. Di ko alam kung bakit ganun.

Sumunod namang pumasok ang isang lalaki na... Teka! Kamukha niya yung unang lalaki ah! Kambal?

Pinag kaiba nga lang ay mas maamo yung mukha niya kaysa dun sa nauna.

Dumeritso siya sa katabi kong bakanteng upuan sa left side ko at dun umupo.

At ang panghuli, kamukha din nung naunang dalawa. Woah! Triplets sila? Ang cool.

Ang pinag kaiba naman ng pangatlo, siguro ay hambog to. Pero nakakatakot siya. Gaya nung nauna.

Mukhang yung pangalawa lang yung mabait sa tatlo.

Umupo siya sa unahan nung pangalawa na kaliwang side naman nung nauna.

Kinalabit ako ni Eunice kaya napalingon ako sa kaniya.

Bumulong siya sakin, "ang gwapo." Nagpipigil lang siya sa kilig.

Umiling na lang ako dahil kay Eunice.

Walang pinag kaiba ang academy na to sa ordinaryong paaralan. Parang normal lang kung titingnan mo ang paligid sa mga oras na ito.

"Hi. I'm Lucas," napalingon ako sa left side ko which is dun naka upo yung pangalawang lalaki na pumasok kanina. Naka ngiti siya sakin at nakalahad yung kanang kamay niya para sa shake hands.

"Ahm.. Altair," nag aalangan man, aabotin ko na sana yung kamay niya na siguro ay nangangawit na pero biglang may tumikhim na nakakuha ng atensyon namin ni Lucas.

Yung pangatlong lalaki pala. Nakatingin siya sa kamay ni Lucas. Kaya binawi na ni Lucas yung kamay niya at nagtitigan silang dalawa na tila nag-uusap sa mata.

Elemental Gunji-teki AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon