#30: The Confession (Part 2)

603K 12.9K 1.4K
                                    

Part 2 of Chapter 30. Medyo short lang po to pero sana magustuhan niyo pa rin!

~*~

"Sigurado ka bang may naghahanap na sa atin ha?" tanong ko habang niyayakap ang sarili, giniginaw na kasi ako.

Nagkibit balikat naman siya at may nilapag na isang kumot sa kabilang puno. Nilapitan niya naman ako at inalalayang umuopo sa kabilang bahagi kung nasaan yung kumot.

"Siguro nahalata naman nila na nawawala tayo." sabi niya at umupo na rin sa tabi ko.

"Masakit pa ba yang sugat mo?" tanong niya.

Napalingon naman ako sa kanya. Hindi pala siya nakatingin sa akin kung hindi sa langit kaya sinabayan ko na lang siya. Pakiramdam ko nagsta-stargazing lang kaming dalawa dito sa gubat.

"Hindi na, maraming salamat." sabi ko at hinimas himas ang braso ko. Ugh. Ang lamig na talaga. Ang ngipis pa ng t-shirt na suot ko. Peste, bakit kasi hindi ko dinala ang bag ko.

"Oh heto." biglang sabi niya. Hinubad niya naman yung suot niyang jacket at pinasuot niya sa akin.

Naramdaman ko naman na nagsiakyatan ang dugo sa pisngi ko. Namumula ba ako? Eh kasi naman nakikita ko ang nga ganitong eksena sa mga pelikula. At hindi ko akalain na mangyayari ito sa akin. Is this really Tyler? Bakit bigla bigla na lang siyang nagiging gentleman?

"Thanks." sabi ko.

Nabalutan naman ng katahimikan ang buong gubat. Bakit ang boring boring? Kainis naman to oh! Hindi ko akalain---

Bigla naman tumunog ng napakalakas ang sikmura ko. Oh shit. Wrong timing.

"Is that your stomach?" tanong ni Tyler na pilit pinipigilan ang pagtawa.

Humalukipkip naman ako at sinamaan siya ng tingin.

"Sorry ha, wala kasi akong dinner." sabi ko at inirapan siya.

"Do you want food?"

"Ay hindi gusto ko tubig. Nagugutom nga diba?! Atyaka, wag ka ng magalala dyan. Mas gusto ko pang mamatay sa gutom kesa mamatay na nalason." sabi ko.

Baka kasi pumitas ng kung anong pagkain tong lalakeng to at ipakain sa akin. Baka lasunin lang ako ng bwisit na to. Iindahin ko na lang ang gutom.

"Tss. Let's find some food." sabi niya at biglang tumayo.

Umiling naman ako at humalukipkip. Tinatamad akong tumayo at maghanap. Mas gusto ko pang manatili dito habang hinihintay ang mga kaklase kong mahanap ako.

"No, I want to stay here. Let's stay here." utas ko.

Napatngin naman siya sa akin na parang nagaalala. Binigyan ko naman siya ng isang tango para isuguro sa kanya na okay lang talaga ako.

"Alright then." aniya at tumabi na sa akin.

Nabalutan kami ng katahimikan. Medyo matagal tagal rin yun pero nagulat ako ng bigla niya itong binasag.

"Hey, sorry about what happened earlier. I was really a jerk that time---"

"Okay lang yun, forget it." sabi ko.

Naramdaman ko namang napasinghap siya kaya napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam but he's really acting strange. Bakit paiba iba ang mood ng lalakeng to? Daig pa ang nagbubuntis eh.

"Are you okay?" tanong ko.

Tumango naman siya at nagulat ako ng bigla siyang humiga. Oh anong gagawin niya? Matutulog? Seriously, kaya niyang matulog sa oras na ito kahit alam niyang naliligaw kami? Tss.

His Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon