Chapter 4

12.5K 398 23
                                    

ALTAIR

Nandito kami ngayon sa classroom namin. Lahat ay excited raw sa training. Naka sout na kami ng PE uniform. Hinihintay na lang namin si sir Aaron.

"Nakakainis! Bakit ba kasi kailangan na si Daphne pa! Eh mukhang maarte yun," rinig kong nag dadabog si Eunice sa tabi ko habang nag e-stretch.

"Okay class. Ready na kayo?" Bilang sulpot ni sir Aaron sa harap.

"Yes sir," masiglang sagot ng mga classmate ko. Habang ako, kabado.

"Kung ganun, let's go." Then lumabas na si Sir Aaron na sinundan namin.

Pumunta kami sa plaza na sobrang lawak. May ibang section din ang naririto at mukhang nag sisimula na sila.

"Okay. Warm up muna tayo. By pairs," sa pagkasabi ni Sir Aaron non, murmur ni Eunice ang napansin ko. Pero hindi ko masyadong naintindihan. Naka kapit siya sa braso ko.

"Hey! Mayonnaise! Di ba kapares kita? Ano pang tinutunganga mo diyan?" Sigaw ni Daphne kay Eunice.

Sinamaan lang ng tingin ni Eunice si Daphne.

"Anong mayonnaise? Tsk!" Padabog na humiwalay sakin si Eunice at lumapit kay Daphne.

Natawa na lang tuloy ako. Pero kabado ako.

"Mukang kabado ka ah?" Biglang sulpot ni... teka, si Lucian ba to? Aish!  Ano ba yan! Bakit Lucian ang nasa isip ko! Hindi ko naman kapares yun e.

Seryoso siyang nakatingin sakin. Mahirap hulaan.

"Sino ka?" tanong ko. Muka tuloy kaming hindi mag classmate dahil sa tanong ko.

Napatawa siya.

Oh! That's it! Si Lucas!

Nahampas ko siya sa braso niya. "Pambihira! Lucas! Ikaw lang pala!"

"Hahaha. Bakit? Sino pa ba ang kapares mo? Diba ako?" natatawang tanong ni Lucas.

Eh sorry na. Nagkakagulo-gulo na isip ko.

"Form 5 lines!" sigaw ni sir dahil maingay ang paligid. Sinunod naman namin yun. Sa kabilang line pumila si Lucas na nasa kanan ko lang. Mga lalaki kasi ang line na yun.

"Mag pu-push ups muna kayo. All boys do push up while all girls do knee push up," sabi ni Sir Aaron habang cheni-check ang bawat line.

Maraming nag reklamo lalong lalo na ang mga babae.

"Oh? Akala ko ba excited kayo?" Takang tanong ni sir.

Oo nga. Excited sila kanina tapos ngayon mag rereklamo?

"Eh kasi sir, akala namin training na magic powers agad," saad ni Mariz.

"Tss. Pano kayo mag tra-training nun kung wala at hindi pa ninyo alam kapangyarihan ninyo?" Tanong ni sir.

"Oo nga! Common sense! Hahaha," pang iinis ni Rex kay Mariz.

"Tse!" Inirapan lang siya ni Mariz.

"Okay. Get ready!"

Pumusisyon na kami. Tapos nagpito si sir hudyat para magsimula.

Okay. Kaya ko to!

Nakaka dalawa pa lang ata ako ng may mag reklamo na.

"Di ko na kaya! Gosh!" Nabobosesan kong si Daphne iyon.

"Walang titigil hangga't hindi ko sinasabi," sabi ni sir habang nag lilibot libot samin.

Push pa Altair!

Patuloy lang ako sa pag push up at tumatagaktak na ang pawis ko. Naka lima lang naman ako ng push up. Pero halos wala na akong lakas kaya ang bagal ng pagkaka-push up ko. Hindi naman kasi ako naggaganito sa dati kong paaralan. Pero push lang! Baka mapagalitan ako.

Elemental Gunji-teki AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon