LARO

1.4K 5 0
                                    

Maglalaro ako, tara samahan mo ko, mahal ko.
Wag kang mag-alala, ako ang unang taya dito.
Ako ang mag-hahabol, ikaw yung tatakbo.
Pagkatapos ay ikaw naman ang maghahanap ng tinatago kong pag-ibig para sayo.

Ako yung magpapanggap, ikaw ang manghuhula.
Kikilos at magpaparamdam ako ngunit hindi gagamit ng salita.
Wag kang mangamba, di mo kailangang mag-seryoso.
Dahil sa larong ito, matagal na kong nabigo at natalo.

Ikaw yung lulusot, ako ang haharang.
Haharangan kita para di makaramdam ng panghihinayang.
Hindi kita hahayaang makalagpas, aking sinta.
Hindi ako papayag na matumba nang hindi ginagawa ang lahat ng aking makakaya.

Ako ang mag-aayos, ikaw ang mang-gugulo.
Ako ulit ang bubuo sa nabasag mong puso.
Pupulutin at pagdudugtungin ko muli ang bawat piraso.
Kahit na alam kong sa kanya mo pa rin ibibigay ito.

Mag-laro ulit tayo, hihintayin ko ang pagbabalik mo.
Sa ngayon magpapahinga muna ako dahil pagod na pagod na ko.
Ngunit wag kang mag-alala, hindi ako titigil sa pakikipag-laro sayo.
Kahit paulit-ulit lamang ang nagiging resulta kahit baguhin ko ang proseso.

#ParaSaMgaRebound

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon