Plano

470 4 1
                                    

Alam ko po na... Minsan lang po ko lumapit Sayo.
Pero sana po naririnig Niyo ko.
Pagsubok lang naman po ito diba?
Matatapos din naman po ito diba Ama?

Sanay na po ko sa mga ibinibigay Niyong hamon.
Mga hamon na nagagawan ko ng paraan para lang makalagpas doon.
Pero bakit po ngayon parang naging triple ang hirap?
Bakit po sunud-sunod at patung-patong ang mga hamon na Inyong inihaharap?

Di naman po ko malakas eh, alam Niyo po yan.
Di naman po ko matatag para lagpasan ang mga ito nang hindi pinagpapawisan.
Pwede po bang... Isa-isa lang muna?
Kasi nararamdaman ko po na hindi ko na kinakaya.

Ganito po ba talaga ang takbo ng mundo?
Kailangan po ba talaga ng salapi para maayos ang lahat ng problema ng tao?
Kailangan po ba talaga ng malalaking halaga ng pera?
Hindi po ba pwedeng mabuhay nalang nang masaya at walang inaalala..?

May tiwala naman po ko sa mga pinaplano Niyo.
Ngunit sadyang napupuno na ng mga tanong ang isip ko.
Mga tanong na unti-unting dumudurog sa aking puso't pagkatao.
Dahil sadyang napaka-sakit ng mga posibleng maging sagot sa mga ito.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon