Sa Panahon Ngayon

2.7K 12 3
                                    

Psst! Gagawan kita ng piyesa, kahit ano pa ang tema nyan!
Limang piso kada isang talata... Biro lang kaibigan!
Ngunit, tunay ngang nalalaos na ang salitang "libre" sa ating lipunan.
Sapagkat halos lahat na yata ng bagay, nabibili na ng kayamanan.

Isa na dito siguro yung buhay ng tao.
Lalapagan ng malaking halaga, kinabukasan natakpan na ng diyaryo.
Oo, ganito na ang takbo ng ating mundo.
Kaya wag ka nang magtaka kung dumadami na ang mga gulo.

Ang agos ng panahon ay patuloy na nagbabago.
Kasabay na dito ang paglaho ng kinagisnan kong mundo.
Dati-rati'y payapa, tahimik, ngunit masaya ang takbo ng buhay.
Ngunit ngayon napapansin ko na ang unti-unting paglaho ng mga kulay.

May mga ibang patuloy lamang sa pagiging gahaman.
Gahaman sa kayamanan, atensyon, at kapangyarihan.
Pare-parehas sila naghihilahan pababa.
Di na rin nila iniisip ang kapakanan ng iba.

May mga ibang nalululong na sa droga.
Patuloy na ginagamit kahit pa ikinasisira na ito ng buhay nila.
Alang-alang sa salapi, itinutulak nila ito at ikakalat sa lipunan.
Ikinakalat sa lipunan para daw instant-yaman.

Madalas nang ibinabalita ang mga natatagpuang katawan.
Mga buhay na walang kaawa-awang tinuldukan.
Mayroon din mga menor de edad at ang ila'y mga kababaihan.
Mga kababaihan na umiyak sa bawat haplos sa kanilang katawan.

Mag-iingat ka sa daan, wag mo yan kakalimutan.
Dahil sa panahon ngayon, hindi mo na alam ang mga nangyayari sa kapaligiran.
Marami nang krimen na hindi nabibigyan ng katarungan.
Dahil ang ibang mga tao sa gobyerno'y nagiging madaya at gahaman.

Nakakalungkot isipin na ito ang desisyon ng tadhana.
Pahirap na nang pahirap ang sitwasyon sa ating bansa.
Sobrang hirap, pati ang mga terorista'y nakikisali na.
Mga terorista na naging dahilan ng pagsiklab ng giyera.

Ang iba nating mga kababayan, iba ang pinaniniwalaan.
Nag-simula ng samahan, nag-protesta, ang paniniwala'y pilit na ipinaglalaban.
Nakaka-lungkot at nakaka-pagod sapagkat palagi nalang ganito.
Tunay ngang kahit sino ang maupo, may mga sasalungat pa rin sa magiging pangulo.

Sa panahon ngayon, lumaganap na ang pagiging mapang-husga.
Kaya marami na ang nagtangkang baguhin ang sarili nila.
Baguhin at ibahin ang itsura para lang matanggap ng madla.
Nakaka-lungkot dahil sa panghuhusga, ito'y kanilang nagawa.

Ngunit, wala pa ring nagbago.
May mga ganung uri pa rin ng tao.
Yung kahit anong gawin mo, ayaw pa rin nila sayo.
Kaya anong silbi ng ginawa mo sa sarili mo?

Sa panahon ngayon, may mga hindi nakakapag-tapos.
Karaniwang dahilan, sa salapi'y kinakapos.
May mga iba ring hindi na nakaka-tungtong sa eskuwela.
Dahilan sa kakulangan sa pera kaya hindi kinakaya.

Hindi ba't nakakalungkot?
Na sa panahon natin ngayon, mas dumami ang mga gusot?
Ang ating bansa'y unti-unti nang nababalot ng kadiliman.
Dahil may mga pangyayaring lumalala na at hindi na maiiwasan.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon