Chapter 40.5 ♬ Hide and Seek

50.1K 950 63
                                    

Dedicated pala to para sa kanya :) thank u sa pagbabasa sana patuloy mong suportahan ang kwen2 kong 'to. Masaya ako na naligaw ka sa page ko at binasa mo ang kwen2 ko, dahil sa milyong milyon na otor dito isa ako sa pinalad na mapansin mo. Keep on inspiring other author :) Godbless sau ^____^

***

Chapter 40

(Not super Revised & Edited.) 

"Hey mas- I mean Ms. Serene!" 

"We have a date today remember?!"

Tawag nila sa akin pero pinagpatuloy ko na lang ang tumakbo dahil kilala ko yang dalawa, kung may gusto sila kahit anong mangyari gagawa at gagawa sila ng paraan para makuha yun. Kahit pa umabot sa walang hanggang takbuhan gagawin nila. 

"Ha! I see, you want a run ah?" narinig kong ngisian ng dalawa sa isa't isa bago masiglang sinimulan ding tumakbo para habulin kami. Alam ko sa maliit na tinginan na yun may binabalak sila na parang hindi ko na gustong malaman pa. Kaya carry on lang sa pagtakbo! Go! My the best man win! Haha sa pag-iisip ng mga bagay na yun bigla na lang akong napapangisi. 

"S-sino ba sila? Bakit tayo tumatakbo?" tanong ni Jace habang kasalukuyan pa rin kaming tumatakbo ng napakabilis sabay hinto sa isang malapad na poste para magtago at para rin makasilip kung nasaan na yung magkapatid. Haha! nautal na sya dahil sa pagod. Hilain ba naman kasi ng hindi alam ang dahilan, ewan ko na lang

"Basta join the fun ka na lang, kung ayaw mong mahuli tayo ng dalawang evil sister na yun" pabiro kong sambit sa kanya sabay agarang hila matapos makita na papalapit na yung dalawa at waaah! Mas mabilis pa sila sa inaakala ko! Grabe! Parang kailan lang na ang babagal nila tapos ngayon maabutan pa yata nila ako ng walang kahirap hirap!

Pero syempre ako magpapatalo? No way!

 Sa kakatakbo naming apat na akala mo eh naglalaban sa isang track and field competition, kulang na lang magkaroon na ng finish line dahil nakailang ikot na ata kami sa buong school. Takbo rito takbo roon. Tago dito tago roon. Hagdan pataas hagdan pababa. Grabe! ilang galon na nga yata ng pawis ang naipon ko eh! 

Ang bilis nilang tumakbo at kahit saan kami magtago ni Jace nahahanap pa rin nila kami kaya yun takbo na naman! Lipat ng hiding place. Para lang kaming naglalaro ng hide and seek pero mas intense itong ginagawa namin. Dahil kapag nahuli ka ng taya (which are the evil sisters) wala ka ng kawala. 

"Ano safe na ba tayo?" tanong ko habang nagtatago kami sa isang maliit na kwarto.

"Sshhhh!" agad namang sabi ni Jace sabay lagay ng hintuturo sa bibig. 

Hindi ko mapigilang mapahagikgik dahil sa mga ginagawa naming kalokohan. Nadamay pa tuloy ang walang kaalam alam na Jace dito sa kalokohan kong 'to. 

"Ssshhh! Wag kang maingay baka marinig nila tayo!" bulong nya sa akin pero kahit sa dilim kung nasaan kami maririnig mo ang unti unting ngiti na namumuo sa kanyang mga labi. Wala syang alam tungkol sa magkapatid pero sa nangyari ngayon na takbuhan sa pagitan namin mukhang nag-eenjoy pa nga yata sya eh at masayang sinusunod ang rules ng game. Gayunpaman, napansin ko tila ba kinakabahan sya. Hmmm. 

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon