Chapter 17

337K 7.7K 976
                                    

I dedicate this chapter to Janeth Ybañez! Thank you for reading!😘

------

FUDGEE!" Hiyaw niya nang pagpasok niya ng kuwarto ay makita ang pusa na kinukulit si Alford. Nasa kama si Alford, at katulad ng nakagawian nito ay nasa ibabaw ng tiyan ang laptop habang si Fudgee ay nagsusumiksik rito.

Patakbo siyang sumampa sa kama at kinuha si Fudgee.

"Fudgee, huwag kang makulit! Nagkakaayos palang kami ng asawa ko." Paanas niyang pagkausap sa pusa. Hindi man sinabi ni Alford pero siguradong naiinis ito dahil sa pagbigay sa kanya ng pusa ni Tyler. Naisip nga niya na ibalik na lang si Fudgee.

"I think he likes me. Hayaan mo siya." Hindi makapaniwalang nilingon ni Lyca si Alford.

"Naiinis ako sa nagbigay niyan sa 'yo, pero kaya ko namang tanggapin 'yan para sa 'yo. Iisipin ko na lang na siya si Oreo."

"Talaga?" Bahagya itong ngumiti, inilahad ang kamay para palapitin siya. Inilapag niya si Fudgee sa kama saka pagapang na lumapit kay Alford. Inakbayan siya nito at hinalikan sa sentido.

"I will accept and love even the hideous creatures basta mahal mo."

"Aw! Thank you!" Iniyakap niya ang mga braso sa katawan ni Alford.

Ngayon mas na-appreciate niya si Alford. Mas tiningnan niya ang good side nito at binaliwala ang pagiging babaero nito noon. Tingin niya ay iyon lang naman talaga ang pangit sa ugali nito but the rest were good.

"Ano ba ang ginagawa mo? Kahit weekend parang lagi kang busy."

Hinaplos ni Alford ang braso niya.

"Ayaw mo ba akong nagta-trabaho sa bahay?" Tiningala niya si Alford. May pinipigil itong ngiti sa labi.

"Hmm. . . Hindi naman. Minsan okay lang, minsan ayaw ko sana."

"Why?"

"I want your attention." Tuluyang napunit ang labi ni Alford ng malapad na ngiti.

"You want my attention?" He asked, her eyes were dancing with delight.

"Yeah. Not that I'm being clingy pero kasi--"

"I like it when you are clingy," putol nito sa kanya. He flipped the screen down and placed the laptop on the bed.

"No more working from home. Kung ano ang gusto ng asawa ko siyang masusunod." Bumababa ang mukha ni Alford para sana halikan siya pero napigil iyon nang tumalon si Fudgee, huddled over his stomach for warmth.

"Why so clingy, Fudgee?" Marahan niyang hinaplos ang ulo nito na tila nasarapan naman dahil ipinikit ang mata.

"Bakla siguto ito 'no?" Ani Alford na ikinatawa niya.

"You are adorable kaya gusto ka niya. I think he loves you." Hinalikan niya ang ulo ni Fudgee.

"How about you?" Muli niyang tiningala si Alford. Bigla ang pagseryoso ng mukha nito habang nakatingin sa kanya.

"Ha?"

Ngumiti at umiling ito.

"Nothing," anito. Kinuha niya ang iPad mula sa nightstand at muling isiniksik ang sarili sa tabi ni Alford.

"Nood na lang tayo ng Kdrama."

Alford expelled a disapproving sigh.
"Porn na lang."

Malakas na tumawa si Lyca.

"We don't need to watch porn. Mas magaling ka pa sa mga pornstar, eh." Ibinaon ni Alford ang mukha sa leeg niya.

"Talaga?" Naramdaman niya ang dila nitong dumantay sa balat niya at kapagkuwa'y marahang sinipsip ang manipis niyang balat sa leeg.

Fatal Attraction 1: Down And Dirty  (Published Under Red Room)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon