Dos

259K 4.6K 63
                                    

Dos

Aura

Kasalukuyan akong kumakain ng tanghalian kasama si Yenny sa cafeteria ng ospital.

"Girl, balita namin na pinatoka sa'yo iyong bagong dating na pasyente ah. Kamusta naman?" Pag uusyoso ni Yenny sabay subo ng pagkain.

Napabuntong hininga na lang ako at tamad na napasandal sa upuan.

"Masungit." Matipid na sagot ko dito.

Binigyan ako ng isang makahulugang tingin ni Yenny at tinaasan ng kilay. Tss. Kung ano ano nanaman ang nasa isip!

Binato ko siya ng tissue at sumibangot.

"Ay! Ano ba yan, sis! Bakit ka nangbabato?" Sabi niya sabay tawa.

Inirapan ko lang siya. "Kasi naman yang mga tingin tingin mo ayusin mo." Naaasar kong saad sa kanya.

"Ikaw naman kasi, sis. Kanina ko pa napapansin na tahimik ka. Now I know kung bakit." Asar niya pa lalo at nagtaas baba ng kilay.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Siguro gwapo yung pasyente ano? Tapos hindi pinansin yang kagandahan mo kaya parang biyernes santo 'yang itsura mo." Dagdag pa niya habang tatawa tawa.

Nakakaasar talaga ang babaeng 'to minsan! Ay, madalas pala!

"Tss. Umayos ka nga, Yenny. Ang totoo niyan, naaawa ako sa kanya. Nasunog kasi ang buong mukha niya. Hindi mo ba alam?" Pagtatanong ko sa kaniya. Hindi ba siya na informed sa situation nung patient na 'yon?

Tumigil ito sa pagtawa at parang biglang nahiya sa inakto.

Dahan dahan itong umiling. "Ah, sorry. Akala ko kasi.." Hindi na natuloy ni Yenny ang sasabihin niya dahil bigla akong nagsalita.

"Hay.. Hayaan na nga lang natin." Tipid akong ngumiti.

Natapos kami mag lunch ng maaga. Marami pa kasing aasikasuhin si Yenny. Naiwan akong mag isa ngayon sa locker area.

Napag isip isip ko na kailangan kong tulungan yung lalaking pasyente ko. Kailangan bago siya lumabas sa ospital na ito ay matutunan niyang maging malakas at wag mawalan ng pag-asa despite ng nangyari sa kanya.

"Kayang kaya mo yan, Aurora Isabel Reyes!" Sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin.

Kinuha ko ang mga gamit kong pangcheck-up bago lumabas. Kailangan ko na kasi i-check-up 'yong si sungit. Sungit kasi masungit siya tsaka di ko kasi alam pangalan niya. Abnormal lang diba? Pasyente mo tapos di mo alam pangalan.

Kumatok muna ako bago pumasok.

Nagulat ako dahil nakita ko siyang nakaupo sa kama habang nakatingin sa labas.

Nilapitan ko siya pagkasara ko ng pinto.

"Umm.. Sir, nandito po ako para i-check ka." Basag ko sa nakakabinging katahimikan.

Tumingin lang ito sa akin. Wala akong mabasang emosyon sa mga mata nito. Para siyang buhay na patay. In short, para siyang zombie.

Umiwas ako ng tingin at sinimulan na ang pag check sa kanya.

Natapos na ako sa ginagawa ko pero ganoon parin siya. Nakatingin lang sa malayo. Tahimik. Ramdam na ramdam ko ang pagiging malamig niya. Mas malamig pa sa Antartica.

"Okay ka lang po ba?" Hindi ko na napigilan wag magtanong.

Akala ko hindi niya ako sasagutin kaya nagulat nanaman ako ng magsalita siya.

My Billionaire Patient (TLS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon