Chapter 47

433K 8.2K 3.2K
                                    

Chapter 47

Dana's Point of View

"What do you want, Cyriel?!" i said to him.

He didn't respond, instead, he kept on staring at me.

"What?!" i angrily asked him, "pupunta punta ka dito tapos wala ka namang sasabihin!"

He took a deep breath, "i'm sorry. Hindi ko alam kung san ako magsisimula.. Ang dami kong gustong sabihin," then he laughed a little.

"I'll give you a clue. Start with what the hell are you doing here?!"

He stared at me. I noticed the dark circles around his eyes, "i love you," he said then he smiled and took a deep breath.

I just looked at him. Bewildered. What the hell?!

"I love you, Dana. I love you," then he smiled again, "sorry if i'm being weird. Ang tagal ko na kasing gustong sabihin sa'yo yan eh. I love you. Halos isang taon kong tiniis na wag sabihin yan. I love you, Dana. I love you."

Hindi ako makapagsalita. Ano'ng nangyayari?!!

"What's your problem, Cyriel?! 12 days na lang bago ka ikasal then you'll come here telling me that you love me? What the hell is wrong with you?!"

He looked at the floor. Then he looked at me and gave me a weak smile, "alam ko. Kaya nga sinasabi ko hanggang kaya ko pa.. hanggang pwede pa.."

Lumapit ako sa kanya at sinampal ko siya, "Sht naman, Cyriel! Ano bang gusto mong gawin ko?! Magsaya kasi sinasabi mo sa'kin yan? Nahihirapan na ako! Don't you have a heart? Please spare me from all these bullshit!"

He came near me and hugged me, "five minutes lang, Dana. Five minutes lang."

Hinayaan ko lang siyang yakapin ako. 

"Mahal na mahal kita, Dana.. Kung kaya ko lang ibalik ang panahon, hindi ko na gagawin yun.. I made the wrong choice.. nung iniwan kita.. isang taon lang naman.. isang taon lang akong nawala.. nagtiwala ako sa kung ano'ng meron tayo.. i thought that one year is not enough to destroy whatever we had.. akala ko kahit umalis ako, pagbalik ko, ako pa din.. pero mali ako.. kasi si Andy na.."

Tahimik lang akong nakikinig sa mga sinasabi niya. He was crying. And i don't have the slightest idea what to do..

"Sana, Dana, ako pa din.. Sana tayo pa din.."

"Sana kaya ko din magpaka selfish gaya ni Andy.. Pero ano pa ba ang silbi kahit magpaka selfish ako? Hindi ka na naman sa'kin para ipagdamot kita," then he laughed.

I felt my eyes shed a tear. Ayokong umiyak. He shouldn't see me crying..

He then looked at me. Pinunasan niya yung luha ko then kneeled.

Nabigla ako kung bakit siya lumuhod, "what are you doing?!"

"Hindi kita kayang bitiwan, Dana. Pero may mahal ka nang iba.. Please lang, pakawalan mo na ako.. Itaboy mo na ako.. Hindi ko na kaya.. Iwanan mo na ko.. Please say it, Dana.. Sabihin mong ayaw mo na sa'kin.. sabihin mo na masaya ka na kay Andy.. sabihin mong hindi mo na ako kailangan.. Kasi pag hindi mo ginawa, patuloy lang akong aasa.."

Natahimik lang ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Kaya ko bang sabihin yun? Kaya ko ba siyang itaboy? Kaya ko ba siyang ibigay sa iba? Kaya ko bang sabihin na hindi ko siya mahal?

"Please, Dana.. ayaw na kitang pahirapan.. just tell me to stop.. papabayaan ko na kayo ni Andy kahit masakit.."

"Don't stop," i said.

Nagulat din ako sa sinabi ko. Hindi ko alam kung bakit ko yun nasabi..

He looked at me, "what did you say?"

Good Girl Gone Bad (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon