Masakit mawalan nang paulit-ulit.
Masakit mabitawan kahit gaano pa kahigpit ang iyong pagkapit.
Masakit maghintay para sa taong hindi mo alam kung babalik pa ba.
Masakit umasa na baka pwede pa.Mahirap bitawan ang isang bagay na gusto mong magtagal.
Ngunit, sadyang hindi na sapat ang ibinibigay mong pagmamahal.
Mahirap at masakit ang paglimot sa inyong nakaraan.
Mahirap, lalo na kung minahal mo siya nang lubus-lubusan.May mga oras na mapapatulala ka nalang bigla.
At bigla nalang papatak ang iyong mga luha.
Bigla mong mararamdaman ang lungkot, sakit, at panghihinayang.
Mapapasabi na, "May patutunguhan naman talaga kaso... Sayang."Masakit isiping sa buhay mo'y wala na siya.
Mahirap tanggaping iniwanan ka na niyang mag-isa.
Mag-isa sa gitna ng daan, para bang batang inabanduna.
Mag-isang umiiyak dahil sa sugat na natamo at pangungulila.Hindi mo na alam kung sino ang lalapitan.
Dahil alam mo sa sarili mong wala ka nang matatakbuhan.
Sapagkat lahat sila'y iyong tinalikuran.
Tinalikuran at kinalimutan para sa taong iyong napupusuan.Subukan mong tumingin sa paligid, baka makita mo ko.
Ako na nagmamahal nang patago.
Ako na nasasaktan sa iyong kalagayan.
Ako na minsan nang hinangad na ika'y ingatan at alagaan.Nandito naman ako, pero bakit mas pinili mo siya?
Siya na kahit kaila'y hindi nakita ang iyong halaga.
Siya na hindi nagdadalawang isip na saktan ka at paikutin.
Siya na ni minsa'y hindi ka nagawang tanggapin at mahalin.Nandito ako, minamahal ka kahit nasasaktan na.
Nasasaktan dahil yung mahal ko sinasaktan lang ng iba.
Gusto kong palitan ng kasiyahan ang kalungkutan na iyong nadadama.
Kaya sana ako naman ang bigyan mo ng pagkakataong alagaan ka.Ngunit sadyang mapait ang desisyon ng iyong puso.
Nakita ko kung paano ka tumakbo papunta sa bumasag nito.
Narinig ko kung paano mo sinambit sa kanya ang katagang, "Mahal kita".
Mga katagang pinangarap ko na marinig mula sayo, aking sinta.
BINABASA MO ANG
Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)
Poetry(Link for the second part: https://my.w.tt/EzRmKfqXxY) (Cover photo made by: Laguindab6) Lahat ng tulang nandito, ay sarili kong likha. Kaya sana wag niyong kopyahin o gayahin sa anumang paraan. Plagiarism is a crime. Para ka na ring magnanakaw. La...