********* CHAPTER 11 ************
Aya’s POV
Maaga akong nagising dahil maaga ding sumugod si Trish dito sa bahay ng ibinalita ko sa kanya na makikipag date ako ngayong araw. Noong una ay hindi ko pa sinabi kung sino ang ka-date ko at talagang napasugod ang bestfriend ko dahil milagro daw na napapayag ako ng isang lalaki na makipag-date. Tss. kung alam lang niya na si PEREZ ang lalaking iyon!
“Are you kidding me Aya?!,” sigaw naman ni Trish sa akin. Nandito siya saloob ng kwarto ko ngayon dahil kailangan ko ang konting advice niya patungkol sa mga date date na iyan!
Umupo naman ako sa gilid ng kama ko habang siya ay nakapameywang na nakatitig sa akin.
“Oo nga Trish, may date nga kami ni Halima—I mean, ni Daniel ngayon. ,” sagot ko sa kanya
“Aya, are you serious? May sakit ka ba? Akala ko ba super hate mo yung heartbreaker na iyon? Eh, bakit nakikipagdate ka na ngayon sa kanya? ,” hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Trish
“Trish, I just wanted to give it a try..don’t worry, I will not let myself fall for him. At saka siya naman ang nagsabi na gusto niya ako diba? Eh di, gagamitin ko iyon para turuan siya ng leksyon!,” sabi ko naman kay Trish. Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin na may plano kami ni Nikka Villafuerte at ginagawa ko lang ito dahil may utang ako.
Never. At walang sinuman ang pwedeng makaalam na palabas lang ang lahat ng ito.
Umupo si Trish sa gilid ko at niyakap ako.”Aya, please naman mag ingat ka dun sa Perez na yun! Masyadong notorious yon sa pagpapaiyak ng mga babae. Wag mong hayaan na saktan ka niya ha. . Dapat ikaw ang manakit sa kanya! Ipaghiganti mo lahat ng mga babaeng pinaiyak niya!, ”
BINABASA MO ANG
LOVE WRECKER (under construction)
Teen FictionDi ba dapat kapag mahal mo ang isang tao ay hindi mo siya kailanman sasaktan? Bakit maraming umiiyak? maraming brokenhearted? maraming nagiging emo? kailangan mo pa bang sumama sa mga kwentong sawi sa pag-ibig??? well, ako hindi... MAH HATER yata 't...