CHAPTER XLIX

144 9 0
                                    

“BRO, ANONG MERON SAYO KANINA? Bakit parang ibang Red ang pinapanuod ko kanina?” text ni Jorix kay Red nang makauwi ito sa kanila mula sa bahay nila Red.

“Pinipilit ko nga lang din na maging ‘maasikaso’ eh. Alam mo namang hindi ko ugali yun.” sagot ni Red.

“Kaya nga… Kaya nga naninibago talaga ako sa’yo kanina eh. Ikaw ba talaga yung kanina?” pabirong tanong ni Jorix.

“Oo bro. Ako nga. Haha! Ang gusto ko lang naman, magpasalamat kay Jake eh. Gusto ko lang tumanaw ng utang na loob. Na-realize ko, sa dami ng nagawa niya para sa atin, hindi sapat ang sabihan lang siya ng salamat. Hindi na din naman magtatagal at mawawala na siya sa bahay, ibig sabihin, hindi rin magtatagal ang 'pagiging maasikaso' ko na to kay Jake. Kaya kahit sa kaunting panahon lang, makabawi man lang ako. Ikaw ba bro? Tingin mo ba, sapat na ang mga ipinakita at nagawa mo kay Jake bilang pasasalamat sa kanya sa mga bagay na ginawa niya satin?” tanong ni Red kay Jorix.

“Yun ba talaga ang dahilan? O talagang gusto mo lang magpasikat kay Jake? O baka naman gusto mo lang talagang maiparamdam sa kanya na mahal mo na siya? O baka ginagawa mo yun kase baka magbago ang isip niya – at hindi na siya umalis? Bakit ba kase ayaw mo pang aminin na may nararamdaman ka na kay Jake? Wala naman sigurong masama. Aaminin mo lang naman.” pangangantiyaw ni Jorix.

“Yan na naman tayo eh! Wala nang panahon at oras para sa sinasabi mo. Paalis na si Jake, kung ano pa ang iniisip mo.” sagot ni Red.

Napangiti si Jorix pagkabasa ng reply ni Red.

“Biro lang.” sagot ni Jorix. “Sa laki ng utang na loob natin sa kanya, ano nga ba ang pwede kong gawin para makapagpasalamat?” kambiyo ni Jorix.

“Kaya nga sinusubukan ko naman ang maging ‘taya’ para sa kanya. Wala kasi akong alam na pwedeng iregalo o ibigay sana sa kanya.” ani Red.

“Mas OK sana kung hindi na siya umalis no?” si Jorix ulit.

“Kung pwede lang eh. Kung may iba pang paraan sana. Pero, mukhang malabo na.” sagot ni Red.

“Ang totoo nyan, siyempre hindi naman pwedeng wala akong iregalo kay Jake pagkaalis niya. Kasalukuyan ko nang ginagawa ang regalo ko sa kanya. Hindi kase ako pwedeng magpaka-‘taya’ sa kanya gaya ng ginagawa mo, alam mo na… baka mahulog ulit siya saken at this time matuluyan siyang bumagsak sa akin. Hahaha!” maya-maya’y birong text ni Jorix.

Natawa na lamang si Red sa nabasang text ni Jorix. “Loko-loko ka talaga! Haha. Teka, anong regalo yang ginagawa mo?” tanong ni Red.

“Basta. Alam ko kaseng hindi mahilig si Jake sa mga nabibili lang. Mas gusto niya yung pinaghihirapang gawin at pinag-i-effort-an. Kaya personalized ang regalo ko.” sagot ni Jorix.

“Ahh. Sige. Siguro, mag-iisip na rin ako ng gagawin kong regalo. Para may maiabot ako sa kanya bago siya umalis!” ani Red.

“Yun oh! Ayaw pasapaw! Hahaha!” kantiyaw ni Jorix. “Pero siyempre, hindi ako magpapatalo. At walang makakatalo sa magiging regalo ko sa kanya.” dugtong pa nito.

Nangingiti lang si Red sa nagiging takbo ng usapan nila ni Jorix.

Pero napaisip na rin siya kung ano nga ba ang maaari niyang gawin para ma-i-regalo kay Jake.

Habang nag-iisip siya ay napatingin siya sa higaan ni Jake na noo’y mahimbing nang natutulog…

-------------------------------------------------------------

MABILIS NA LUMIPAS ANG MGA ARAW…

Pumasok na ang buwan ng Disyembre. Sumapit na rin ang araw kung kailan isasagawa ang 3rd Grading Examination nila.

PICTURES OF THE PASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon