Chapter 4

33.1K 1K 20
                                    

"Stefano, girlfriend mo nga ba 'yong babaeng kasama mo?" Tanong ko sa pinsan ko.
Pagkakaalam ko ayaw nitong magkaroon ng girlfriend. Balakid lang daw sa oras niya sa trabaho. Lalo pa ngayon, ibinigay na sa kanya ang pamamahala ng kanilang kompanya. Napabuntonghininga ang pinsan ko. Mataman ko lang siyang tiningnan. Napatingin sa akin na mukhang may sasabihing importante.

"No, she isn't my real girlfriend. Palabas lang namin iyon. Well, it was my own plan, not her. I just did that because I'm so pressured to Mame and Lola," napabuntonghininga.

"Oh, I see. Bakit naman hindi mo sinabi ang totoo? You know Tita Mame, will do everything para pakasalan mo ang babae. Parang botong-boto siya sa babae," sabi ko.

"No way! I will not marry her. Bahala na  magdadahilan na lang ako o I will tell them na break na kami kapag in-insist nila ang pagpapakasal." Napaiiling na lang ako sa pinsan ko. Dapat una pa lang sinabi na niya na wala naman silang relasyon. Siya din naman ang mahihirapan sa huli. Pero mas pabor sa akin dahil meron na akong pagkakataon na maligawan siya.

"Then I have a chance to court her." Wika ko. Sinimsim ko ang wine na hawak ko habang nakatingin sa kanya. Nakaupo kami sa may stool bar. Napangisi sa akin ang pinsan ko.

"Liligawan mo nga ang kaibigan ko kuya?" Paniniguro niyang tanong sa akin.

"Yes. I like her" Sagot ko tsaka ko tinungga ang wine.

Hindi mapakali si Felicity sa kinauupuan nito dahil sa pagtatanong ng kamag-anakan ni Stefanong bakla. Hindi na nga alam ni Felicity kung ano ang isasagot sa ibang tanong nila. Tungkol ito sa relasyon nila Stefano.

"Tita,  pupunta lang po ako ng restroom." Paalam ko kay Tita Mame. Tango lang ang itinugon niya. 

Hinanap ko ang restroom pero hindi ko alam saan ba dito? Haist sana pala tinanong ko kung saan ang restroom. Nagpatuloy si Felicity sa paglalakad hanggang sa nakaabot na ako sa may bandang dulo ng bahay.

"Are you looking something?" Nagulat ako sa baritonong nagsalita sa likuran ko. Napalingon ako. Bakit ba sa lahat lahat ng tao ito pa talaga ang makikita ko.

"A-ano k-kasi hindi ko mahanap kung saan ang comfort room" Nauutal na saad ni Felicity at napakamot sa batok niya.

"This way babe." Nagulat ako sa endearment niya sa akin. Inilahad nito ang kanang palad niya kung saang way ang restroom. Tipid na ngiti lang ang binigay ko. Nagmadali na akong naglakad patungo sa restroom. Nagtagal ako doon ng ilang minuto bago lumabas. Paglabas ko nang pintuan ng restroom muntik na akong mapalundag at mapamura. Nakatayo kasi sa harapan mismo ng pintuan ang pinsan ni Stefano.

"What are you doing here?" Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. "Mag rerestroom ka din?" Tanong ko habang hindi ako makatingin ng maayos sa lalaki.

"Nope. Actually I'm waiting for you babe." Gusto ko sana mapatirik ng mata sa endearment niya sa akin. Walang kami kaya bakit niya ako tinatawag ng ganoon? Napaatras ako nang mas lumapit pa siya sa akin. Hindi magkamayaw sa pagtibok ang puso ko ng mabilis.

"A-anong gagawin mo?" Nauutal na tanong ko. Hindi niya ako sinagot bagkus ngumisi lang ito sa akin na ikinakaba ko.

"I just want to give you a warm welcome hug babe." Napakunot noo ako sa sinabi niyang welcome hug. Bakit may ganoon? Ano ito lokohan may pawelcome hug pa?

"Bakit may ganoon pa. Baliw ka ba welcome hug paglabas ng CR?! Puwede ba wala akong time makipagbiruan sa iyo." Inis na saad ko. Halos namumula na ang face ko. Ang sarap niyang tadyakan. Nakita ko ang pigil na ngiti na mas lalo kong ikinainis. Ang lakas ng loob niyang mang-inis sa taong hindi naman niya kilala.

"No, I am not kidding. Do I look like?" Tumingin ako sa kanya nang hindi ako makapaniwala. Para hindi na ako maimbyerna lalo tinalikuran ko siya at umalis. Pero hindi pa ako nakakalayo ng higitin niya ang braso ko. Kaya napabalik ako't napasubsob sa kanyang malapad na dibdib. Naamoy ko tuloy ang panlalaking pabango nito.

"Come for me, babe." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Parang iba kasi ang dating ng sinabi niyang come. My God! 

Bigla ko siyang itinulak ng malakas. Pero maagap siya dahil hinigpitan niya ang pagkakahawak sa baywang ko. In one swift move I landed my wet lips on his yummy lips. May naramdaman akong matigas na bagay sa aking tiyan na umigkas sa loob ng pantalon ng lalaki. Nanlaki ang mga mata ko. Oh, my God ahas!

Copyright©2017
All Rights Reserved
By coalchamber13

BARAKO SERIES 1 My Mister Soldier( Mikael Dela Costa Story)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon