Chapter 22

298K 7.1K 1.2K
                                    

Hello, Ella Magenta! Happy Birthday ! I hope this simple greeting would bring  a smile on your pretty face and joy to your  heart. XOXO! 😘

Alford💔Lyca

Daming affected  sa last chapter! Pinaabot niyo ng 400 ang comments at sobrang  na-enjoy ko magbasa ng comments niyo, kaya ayan sinipag akong magtype. Ihi lang ang pahinga. 😂

---

WALANG  imik na nakatayo si Lyca sa veranda ng silid ni Alford.  Nakahawak siya sa balustre at nakatanaw sa kawalan.  Anak nga ni Alford  si Fenix. He didn't  deny it. Nasasaktan  siya. Ang gusto  niya sa mga oras na ito ay umuwi na. Pakiramdam niya ay wala na siyang puwang dito at lalo sa buhay ni Alford. 

His first love is here with his son. Ano ang laban ng isang katulad niya na pinakasalanan lang naman dahil sa pananagutan; babaeng hindi handang bigyan ng anak ang asawa dahil takot sa responsibilidad.

Fenix is four years old.  Wala siyang karapat isumbat kay Alford ang pagkakaroon nito ng anak.  She's only  sixteen when Alford  and Monica had a relationship. Kakakilala  palang  niya  kay  Alford  nang  mga  panahong  iyon.   Kaya kahit pa siguro sampo ang anak nito sa labas ay wala talaga siyang karapatang manumbat.

Pero ang katotohanang mukhang  ang mag-ina ang pinipili nito  kaysa  sa kanya  ay sapat  para masaktan siya ng sobra!

Ayon  kay  Alford  ay nalaman lang nito ang tungkol kay Fenix noong gabing magtalo sila.  Hindi raw nito magawang sabihin sa kanya dahil  may pinagdadaanan na sila at ang concern nito ay siya. Hindi nito alam kung paano niyang tatanggapin.

Plano naman raw nitong sabihin pagbalik nito ng Manila. He was planning to go back to Manila next day.

"I think I should  go home now," aniya habang nanatili ang mata sa kawalan. Habang si Alford  ay nakatayo sa may pinto sa kanyang likuran.

"Hindi mo kayang tanggapin ang pagkakaroon ko ng anak?" Nilingon niya si Alford. Nasa mukha nito ang lungkot at pag-asam.

"Kaya kong tanggapin ang bata. Kaya kong tanggapin  ang nakaraan mo. Pero hindi ko kayang makipagkompitensiya sa kasalukuyan;  sa kalabang  alam kong mas importante sa 'yo." Humakbang  siya para pumasok ng silid  pero hinawakan siya ni Alford sa braso.

"Kailangan  nila ako kaya sumama ako rito, pero hindi ibig sabihin mas mahalaga sila kaysa sa 'yo."

"But I need you, t-too. . ." Gumaragal ang boses niya at tuluyang nalaglag ang luha mula sa mata.   Agad niyang ipinaling ang mukha paiwas kay Alford. Mula kanina habang nagpapaliwanag si Alford ay hindi niya  hinayaang bumigay ang kanyang emosyon.

Ayaw na niyang umiyak. Tama na ang ginawa niyang pag-iyak noong mga nakaraan. Kasalanan niya ang nga nangyari sa kanilang gulo kaya ayos lang sigurong iyakan niya ang bagay na iyon.

Pinihit siya ni Alford paharap rito.
His hand cupping her cheeks as he angled her head to look at him. Masuyong  pinahid ni Alford ang luhang dumaloy sa pisngi  niya.

"I'm sorry," he said softly.

"Is it over?"She asked but afraid to hear his answer. She was scared of losing him. Hindi niya na alam kung paano ang buhay na wala si Alford. 

"Bibitawan mo na ba ako?" tanong ni Alford. Inalis niya ang kamay ni Alford  na nakahawak sa mukha niya.

"Gusto mo na bang bitawan kita?"

"No!" Pumasok  siya ng silid. Sumunod si Alford. 

"No?"

"I want you to stay with me." Muli  niyang hinarap si Alford.

Fatal Attraction 1: Down And Dirty  (Published Under Red Room)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon