Chapter 8

11K 291 14
                                    

ALTAIR

Gabi na. Oras na ng pagtulog ngunit kanina pa ako nakahiga rito at nagpapagulong-gulong sa kama ko. Hindi ako makatulog.

Naalala ko si Lucian. Aish. Buset na isip.

Buti pa si Eunice nakatulog na ng mahimbing. Pero dahil na rin ata sa pagod.

Bumangon ako at dumungaw lang muna sa bintana.

Napakatahimik. Buong campus ay nagliliwanag dahil sa mga ilaw na nananatiling nakasindi. Mga nagkikislapang bituin sa langit ay talagang magandang pagmasdan. Matatanaw rin mula rito ang mga nagtataasang gusali ng academy.

Naalala ko tuloy ang unang pagpasok ko sa paaralang ito. Wala akong alam at bigla-bigla na lang ini-enroll ni papa rito.

Wait. Si papa ang nag-enroll sa akin rito pero wala man lang sinasabi sa akin. Basta maganda lang daw itong paaralan at dito ako nababagay.

Naalala ko ang unang araw na nagkwento sa akin si Eunice. Kaya raw niya nasisiguro na may kapangyarihan siya ay dahil anak siya ng elemental army.

Naka-enroll ako rito ibig sabihin ay isang elemental army si papa. Sa pagkakaalam ko ang trabaho niya ay isang doktor. Tapos naikwento sa akin naman ni papa na dating nagtatrabaho sa isang tech company si mama.

Napatingin ako sa mga palad ko. Iwinasiwas ko ang palad ko, nagbabaka sakali ako na may magawa akong kakaiba. Kaso wala. Nagmukha lang akong ewan dito sa bintana. Wala pa rin akong kapangyarihan.

Paano kaya kung wala talaga akong kapangyarihan? Omg.

Pero hindi naman ata ako basta-basta i-e-enroll ni papa sa paaralang ito kung hindi niya alam ang totoo rito.

Argh. Sumasakit ulo ko. Kapag makaharap at makausap ko na si papa, talagang tatadtarin ko siya ng tanong.

Huminga ako ng malalim para maibsan ang gulo sa isip ko. Ngayon naman ay namimiss ko ang mga araw na hindi pa ako naririto. Namimiss ko na si papa, bahay namin, at mga kaklase ko noon. Nakakamiss yung normal na buhay. Dito kasi papunta ata sa military training talaga ginagawa namin.

Hays. Ang daming pumapasok sa isip ko kaya mas lalo lang akong hindi makatulog.

***

"Bakit ba kasi natulog ka habang nakadungaw sa bintana? Dapat agad kang bumalik sa paghiga nang makaramdam ka na ng antok," sermon sa akin ni Eunice sa akin habang patungo kami sa classroom.

"Sorry na. Hindi na mauulit," sabi ko na lang habang nakahawak sa leeg ko.

Nang matagal-tagal na akong nakadungaw kagabi sa bintana, unti-unti na akong nakaramdam ng antok ngunit hindi ako bumalik sa paghiga sa higaan ko. Sunod ko na lang namalayan ay nagising na lang ako na nasa may bintana pa rin kaya heto't medyo masakit leeg ko.

"Sa clasrooom ba yung ingay na naririnig ko?" Biglang tanong ni Eunice nang malapit na kami sa classroom.

May naririnig kaming sigawan at tila nagbabangayan. Dahil dun, nagmadali kaming dalawa na makarating agad. Tumambad sa amin ang nagkakalat na upuan at mesa sa buong silid. Ang mga classmates naman namin na nandito  na ay nakasiksik sa gilid na parang may iniiwasan. Habang si Rusty at Rex ay nakatayo sa gitna.

Pero ang agaw pansin ay ang daming lupa rito. Naghakot ba sila ng lupa?

"Anong nangyayari rito?" Mahinang tanong ni Eunice.

Magsasalita sana ako ng biglang may lumitaw na mga squares na hologram sa paligid ni Rex.

"Woah! May kapangyarihan na siya?" Pagulat na tanong ni Eunice.

Elemental Gunji-teki AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon