「Marriage System」

2.1K 76 2
                                    

An: For those RaphXFranchelle diyan, ito na ang pinakahihintay niyo. Hahaha. Enjoy reading guys!

=======================================

Franchelle Pov

One word.

"Wow!" All

Ang ganda at ang laki. Mas malaki pa sa White House ng U.S. at may red carpet pang nalalaman. May chandelier pa sa taas tapos may mga mamahaling vase, statues at paintings. Lahat ng windows ay gawa sa mamahaling glass. Yung mga furniture, halatang mahal dahil bukod sa maganda ang pagkakagawa at gawa sa mahal na kahoy, may buffs din itong ibinibigay like Defense +5, Hp regeneration +1%, Attack +3, Agility +1 at marami pang iba. Kahit na pandalian, mas maganda narin iyon kaysa sa wala.

At nung nahimasmasan na ang mga kumag ay nagkaniya-kaniya na silang pulasan at kumuha ng mga kwarto. Siyempre hindi rin kami papatalo ng mga girls kaya sinundan din namin sila. Three storey building itong Guild House namin. 1st floor ay parang reception ng hotel, parang di nagaganap yung meeting or dito sila pupunta kung gusto nilang sumali. Sa second floor naman ay may training room, library, laboratory, at mayroon ding storage room. At ang third floor naman ay parang private room. May nga kwarto dito pero sakto for 30 people only. Well, dependd nalang ah kung mayroon makikishare ng kwarto. Para talaga siyang bahay.

Pagkadating namin sa third floor ay pila-pila ang mga pintuan with matching room number pa ah. Agad naman nagsipulasan ang mga kumag papunta sa number na gusto nila habang si kambal naman ay pumunta sa room no. 1. Si Raph naman pumunta sa room no. 2 at ako ay pumunta sa room no. 3. Oh diba, parang sa rankings lang.

Pagpasok ko sa kwarto ay bumungad sa akin ang isang malaking bed. Isang round table at dalawang upuan malapit sa bintana. May painting sa uluhan ng bed. May baniyo din at may walk-in closet. Wait, what's the use of walk-in closet and bathroom eh pwede naman kaming magpalit through menu at hindi naman kami nakakaramdam ng pagsakit ng tiyan or ano pa man. For next update I guess? Bago lang naman kasi ang larong ito kaya baka maglalagay sila ng mga ganoong options para naman ma-feel talaga na real world ito.

*Knock, knock.

"Franchelle, can I come in?"

"Yes!" sigaw ko habang nakahiga. Napakacomportable ng kama kaya sumigaw nalang ako. Hindi naman nakalock ang pintuan kaya pinapasok ko nalang siya. Base sa boses niya kilala ko na kung sino ito. It's my one and only boyfriend.

"Raph, may problema ba?" tanong ko sa kaniya. Hindi iyan basta-basta lumalapit kung wala siyang importanteng sasabihin or problema.

"The thing is, gusto kong lumabas muna pansamantala at pumunta sa Auction House. Pwede bang pumunta ako mag-isa? I know na, magagalit ka kung saan-saan ako pumupunta ng hindi nagpapaalam pero importante kasi ito kaya naman nagpaalam ako sa iyo." Raph

Mediyo napakunot ang noo ko sa sinabi niya. What is the meaning of this? Ayaw niya akong kasama?

"No. Hindi sa ayaw kitang makasama pero importante lang talaga. Please. Can I go? Don't worry, hindi ako mambababae. Ikaw lang mahal ko so please. Can I go?" Raph

Tiningnan ko siya sa mata at kitang-kita ko sa mga ito na hindi nga siya nagsisinungaling. Sigh.

"Fine. 1 hour. Paghindi kapa bumalik within 1 hour hahanapin kita at kapag may makita lang akong babae na kasama mo papatayin kita. Maliwanag?" Tanong ko sa kaniya while glaring at him.

"Yes mam!" and he dashed away. Importante siguro iyon.

While waiting for him, nagkalikot muna ako sa inventory ko. Sobrang daming trash items kaya itinapon ko nalang. May mga stat points rin akong hindi nagagamit kaya linagay ko nalang lahat sa Int. Linagay ko narin ang natitirang skill points ko sa Searching ability ko. Unlike Raph, hindi pa max ang mga passive skills ko. Tiningnan ko ang mga skills ko. Although, mostly ay mga weak skills lang, nababahala parin ako kung bakit ang daming skills meron ako. Minsan nga series ito. Hindi ko alam kung bakit ganito pero ok na iyon. I'm a Wizard in the first place kaya normal lang sa mga Wizard ang maraming skills.

New Life Online: Battle Against The Darkness- Book I [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon