「Book of OP Skills?!」

2K 71 0
                                    

Raph Pov

"Oy! Putang ina, inunahan niyo pa kami ah! Ace tara na at bili tayo ng ring. Pakasal na tayo. Sa gusto mo o sa gusto mo!" Chan

Hinila niya si Ace papuntang store upang bumili ng wedding ring.

"Rolly, tara pakasal tayo, wala akong pakialam kung hindi mo pa ako sinasagot basta magpakasal na tayo." Deb

Hindi pa nakakasagot si Rolly nang hilain na siya ni Deb at sinundan si Ace at Chan.

"Cye." Zed

"Zed." Cye

Nagkatitigan lang sila at hinawakan nila ang kamay ng isa't-isa at lumabas nadin.

"Tang ina bro! Wala man lang tayong love life!" Nard

"Oo nga bro! Kung mahanap ko lang sana yung pandak na iyon!" Ando

"Kung sana mahanap ko yung lalakeng iyon!" Dianne

"Kung sana mahanap ko yung amerikanang iyon." Nard

"Kung sana mahanap ko yung baklang iyon." Shannen

Napatingin naman kami sa kaniya. Bakla?

"What? Ang gwapo niya kaya. Masamang mainlove sa bakla? Gagawin ko siyang lalaki though." Shannen

Hindi nalang namin pinansin si Shannen na dada ng dada kung gaano daw kagwapo yung baklang natitipuhan niya.

Makalipas ang isang oras at sunod-sunod ang notifications na narecieve namin na may ikinasal na player. Ewan ko ba kung bakit pero yung tatlong pares lang yung nainotiff. Baka mahal ang wedding ring? Well, ewan hahaha.

Napatingin ako sa babaeng nasa tabi ng kama at natutulog. Mukha siyang pagod na pagod at may satisfied na mukha. Katatapos ko lang kasi siyang minasahe. Ang stiff daw ng katawan niya kaya nagrequest siya ng massage kaya pinagbigyan ko siya. Dahan-dahan akong umalis sa kama niya upang hindi ko magambala ang kaniyang tulog.

Paglabas ko ay sakto namang nakasalubong ko sina Zed at Cye na pababa na ng third floor habang magkahawak ang kanilang kamay. May ring icon na sa kanilang name kaya I guess kasal na silang dalawa.

"Ano Raph? Katatapos maghoneymouon?" nakangising tanong niya sa akin.

"Haha, walang nangyaring honeymoon. Eh kayo?" tuanong ko sa kaniya pabalik.

"Wala din tol. Mas maganda nalang kapag matapos naming ikasal sa totoong buhay hahaha." namula naman si Cye sa kaniyang narinig.

"Saan pala punta mo?" Zed

"Sa may training hall diyan sa labas. Try ko lang new skills ko."

"Oh sige. Ingat." Zed

Pagkalabas ko ng Guild House ay dumiretso ako sa Training Hall. Pagkarating ko doon ay madaming tao ang nagtratraining. Marami ang nagpapataas ng stats at makakuha ng passive skills.

Lumapit ako sa Npc na nagbabantay at tinanong ko kung mayroon bang room na pwede kang magtrain ng mag-isa mo. Sabi niya meron pero may bayad. Binayaran ko at ginabayan niya ako papunta sa room na iyon. Pagkatapos kong pumasok ay lumabas na siya agad. Sabi niya 5hrs. duration lang ang mayroon ako and special room ito dahil kapag nagtrain ka rito ay may makukuha kang experience at depende sa kung anong training mo ay makakakuha ka ng passive skills. I think the is called Endless Room kasi kung titingnan mo, bukod sa pintuan ay puro puti na ang nakikita mo. Ay meron pa pala, isang control system para maglabas ng dummy para sa training.

New Life Online: Battle Against The Darkness- Book I [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon