「New Members and Reunion」

2K 66 9
                                    

Raph Pov

Sofya City
Guild House
First Floor

"And now, let our meeting begin." pag-uumpisa ni Zed.


Katabi ko si Zed at katabi niya si Rolly. Bilang Commander ay dapat nasa harap ako. Err, ayoko sana dito kaso no choice eh.

Kaharap namin ang dating members ng Black Pearl guild at may mga bagong mukha. Mga recruit nila siguro last two weeks.

"Sa ngayon, may nakikita kayong mga bagong mukha. Mga recruit ito ng ibang members last past two weeks. Members, please introduce yourselves." Zed

Lumapit ang isang Shinobi. Naka leather vest lang siya at kulay blue ito. May nakasukbit na dalawang dagger sa kaniyang baywang. Matangkad siya at masasabi mong gwapo. Green ang kulay ng buhok at blue ang mata.

"Hello guys. RedBlood here. Level 138. Main element, water. Shinobi at magaling sa frontal attack at assasination. Solo player. And my real name is Lorenzo Estuista. Nice to meet you." pakilala ng Shinobi.

(An: @FireBallManiac)

He's good being a solo player. At nakakamangha lang dahil magaling siya sa frontal attack. Pwede siyang pang vanguard at the same time pwede rin siyang pang rearguard.

"Not bad." Rolly

"Yup. Mataas ang level niya kahit na solo player lang siya." Zed

Binati naman agad siya ng mga kasamahan namin. Sobrang saya nga nila eh kasi may bago na silang mukhang makikita. Biro nga ni Chan eh buti naman at may bago ng kasama. Nakakasawa na daw ang pagmumukha namin hahahaha.

Lumapit naman ang isang lalaking nakaroba ng kulay asul din. May katangkaran at mediyo malaki ang built ng katawan. Kulay Ash Gray ang kaniyang buhok at may kulay berdeng mata.

"Hello sa inyo. Ign: LilJade. Level: 140. Solo player. Real name, Khalil Jade Salvador. Main element, Thunder. Wizard."

(An: MaxDublin)

Wizard na solo? Magaling siguro ito at nakakaya pa niyang magsolo despite being a wizard. Si Franchelle kaya? Kaya ba niyang magsolo?

Lumakad naman paharap ang isang nakaninja set. Yung tipong mga nakikita sa t.v. na nakasuot ng itim at natatakpan ang mata. May espada sa kaniyang likod.

"Hello guys. Spark_Plug nga pala. Job? Siguro alam niyo na. Isa po akong Shinobi gaya ni idol Shadow. Level 126, hehe. Ako ata ang pinakamababa ng level. And, solo player po ako. Real name ay Raven Ramirez. Let's be friends."

(An: Raven_broken)

Tatlong new members ang narecruit nila at pawang mga solo player ang mga ito. Mahilig ba sila sa solo players?

Habang nagsasaya ang ibang kasama ay biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang Archer, isang knight, dalawang wizard, at tatlong ninja. Wait, bakit sila nandito.

"Hellooo guyyysss!! Nahanap ko din kayo!" XVI

"Haha, ang lalakas niyo pala. Di niyo man lang ako ininform." Raven

"Yup, yup." Kubs

"Hahaha. Lalo ka na Zed! Rank no. 1 kapa!" Tuks

Habang salita ng salita ang mga bagong dating, hindi naman maitago sa mukha nila ang pagkalito. Sino ba ang mga ito at kilala nila si Zed?

"Oops, mukhang hindi nila tayo namumukhaan." Raven

"Ako na unang magpapakilala! Ako ang inyong pinakamagaling na table tennis player! It's me! Pretty Aysa! Pretty Alyssa Katrina Ubasa!" Inori

"Ako ang inyong pinakamatalinong classmate. Ako ang may pangalawang malaki ang noo. At crush na crush ko si Von na alam na alam niyo. Si Vianne Guimmayen." XVI

"Oh, nga pala. Ito si IVX este si Von. My boyfriend hehehe." XVI

"Ako ang inyong pinakamaliit at pinakamatabang classmate ninyo. Ako lang ang tumatawag na "Rabs" kay Zed at ako ang bestfriend ni Ace! Raven! I mean, Jewel Rose Estillore." Raven

"Ako ang pinakamatanda sa inyo. Ako ang may pinakamalaking likod! Kubs este Richelle Delos Santos." Kubs

"Ang inyong number one Amphibian! Ang lagi niyong tinatawag na palaka. Ako si Erika Jade Gonao, IGN Tuks. Kamusta na mga classmate?" Tuks

"Ako ang inyong number one boyish student na ngayo'y most girly na hahaha. Boys, don't fall inlove with me~❤. Andrea Nicole Guillermo. ItchyBitchyMisty at your service!" ItchyBitchyMisty

Sampung segundo ng katahimikan bago magsink-in sa utak ng mga kasamahan ko ang lahat ng sinabi nila.

"CLASSMATESSSS!!!!!!" ALL

====================================

Cyrene's Pov

Kasalukuyang nagmemeeting ang mga top players. Siyempre sa pungunguna ni Loves, Zed. Hindi parin ako makapaniwala. Mga dati naming kaclassmate ang nagpakilala kanina. Pagkatapos ng grade six kasi namin ay nagkahiwa-hiwalay kami. Hindi ko agad sila nakilala. Although nasa game kami, hindi mababago ng game ang shape ng katawan, ang mukha at ang height. Tanging hair color at eye color lang ang mababago. Kaya naman nagulat ako dahil ang laki ng ipinagbago nila. Tulad ni Andrea. Dati mukha siyang gusgusin at maitim, ngayon sobrang puti na niya. Ang haba na ng kaniyang buhok and I've gotta admit na mas maganda ang shape ng kaniyang katawan kaysa sa akin. Si Jewel naman na maliit noon, ngayon maliit parin. Ay hindi pala, tumangkad ng kaunti. As in kaunti lang. Pero pumayat siya at pumuti. Si Aysa naman na maganda noon, mas gumanda pa siya ngayon. Di ko nga alam kung model ba ito ano or hindi. Si Vianne naman na sobrang manoo noon, ngayon hindi na gaano. Walan narin ang mga pimples niya kaya litaw ang kaniyang natural na kagandahan. Kaya naman pala naakit niya si Von na crush na crush niya. Parehas silang matalino kaya bagay lang haha. Hindi ko alam kung saang school sila ngayon nag-aaral, but I'm happy that we're reunited with them again. Miss na miss ko sila. Lalo na sila Richelle, Vianne at Erika. Mga ka dorm mates ko ang mga ito noon at sobrang close na close kami noon na pati sila ay pinagseselosan ni Zed. I still consider them as bestfriends. At hinding hindi iyon magbabago.

"Ok. Yes. This weekend. Saturday, how's that? You're joining in? That's great! Hahaha. Of course. Welcome to the guild." Zed

Sobrang natuwa talaga ako ng marinig kong sasali sila sa guild namin kahit na may sarili silang guild. Mga makasariling tao din eh noh? Haha, hayaan mo na basta ang importante ay kasali na sila sa amin.

"Hey guys! Let's party!!" Chan

At ayun na nga. After naming nagmeeting ay nagparty kami agad kasama na ang mga new members.

====================================

An: Short update. Sorry.

At sa mga bagong sali, naghahanap ako ng mga pwede niyong mag pictures.

New Life Online: Battle Against The Darkness- Book I [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon