#31: Revenge

595K 12.5K 1.2K
                                    


~*~

Sabi nila masarap sa pakiramdam kapag mahal ka ng taong mahal mo. Yung tipong kaya mong harapin ang hirap ng buhay dahil andyan siya para samahan ka. Yung tipong pakiramdam mo ikaw na ang pinakaswerteng babae dahil ikaw ang mahal niya. Yung tipong wala ka ng kinakatakutan dahil andyan siya para protektahan ka. Yung tipong lahat ng pangarap mo ay natutupad dahil nasa tabi mo siya. Siguro, masarap talaga sa pakiramdam ang ganun.

But love comes with pain.

In the end, pagsisisihan mo lang na minahal mo siya. In the end, marerealize mo sa sarili mo na hindi siya ang true love mo. In the end, both of you will fall out of love. In the end, hindi kayo ang para sa isa’t isa.

In the end, masasaktan ka lang.

“Huy! Hindi mo ba talaga gagalawin yang pagkain mo, Rien?” sigaw ni Jade sa tainga ko.

Napangiwi naman ang panga ko at sinamaan ng tingin si Jade. Tss, kahit kailan talaga ang ingay ingay niya.

“So nosy.” Sabi ko at inirapan siya.

“Oh? Why so badtrip?” patawang tanong sa akin ni Charlotte.

Tumango naman si Jade na parang naga-agree sa sinabi ni Char. Nagkibit balikat naman ako at nilantakan na lang ang pagkain ko. Hindi ko na naikwento kung anong nangyari sa camp namin. Gusto kong itago to sa aking sarili at kalimutan na lang.

“Ano ba kasi talaga ang nangyari sa camp, Rien?" Jade asked with curiosity.

Damn. I really want to forget what happened about that camp. Pero hindi maialis na lang bigla bigla ang nangyari sa aming dalawa. The kiss and the confession.  That night was full of emotions. I can’t even. ugh

Jade snapped her fingers in front of me.

“Tunganga ka naman.” Char

Napabuntong hininga naman ako. Bakit ba ang tanga tanga ko pagdating sa pagibig? Bakit ba ngayon ko lang narealize sa sarili ko na gusto ko na siya? Na mahal ko siya? Bakit ngayon pa na alam ko nang pinaglalaruan niya lang ako. Na lahat ng ito ay isang trap lamang? That’s why kahit ayaw niya sa akin ay pinipilit niyang dinidikit ang kanyang sarili sa akin. Na kunwari prinoprotektahan niya rin ako. Kaya pala.

Everything is just his revenge. He want me miserbale. I know.

Napatayo naman ako at marahas na binitawan ang mga kubyertos. Nagulat naman sila Char at Jade at tinaasan ako ng kilay.

“Is there anything wrong?” pagaalala ni Char.

Umiling naman ako at ngumiti ng hilaw.

“I’m fine. Sige, una na ako.” sabi ko at lumabas na ng cafeteria.

Paglabas ko ng cafeteria ay agad ko namang siyang nakita na may kalandiang dalawang babae. Bigla naman nandilim ang tingin ko sa kanilang tatlo. Napatingin pa ako sa kamay niyang nakaakbay sa dalawang babae. I knew it, he’s just playing around.

“Tss.” Sabi ko at nilagpasan siya.

Nakita ko namang ngumisi siya at nilapat pa ang kanyang mukha sa tainga ng isang babae kaya medyo tumili ang mahaliporot niyang kasama. Bigla naman akong nabwisit at ramdam ko ang paginit ng ulo ko habang padabog na naglalakad. Parang kahapon lang sinabi niyang mahal niya ko tapos makikita ko siyang nakikipaglandian sa iba? Now tell me, masisisi niya ba ako na hindi ko siya paniwalaan agad.

Naglakad naman akong papuntang  classroom. Dun na nga lang ako tatambay, sigurado naman walang tao dun. Gusto kong magisa at magisip isip. Kailangan kong magplano kung paano siya gantihan. Kung paano rin siya sasaktan. Pero ang una kong iintindihin kung paano ako makamove on. I want to fall out of love. I don’t want to fall so deep for that evil gansgter.

His Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon