Chapter 38: Uncomfortable

8.6K 174 16
  • Dedicated to Richard Legaspi
                                        

[Keith's POV]



nakayuko lang ako sa may lamesa ko, kasi naiinis ako. Ngayon ko dapat ipapakita kay Jelly na mahal ko talaga siya eh! Kung kailan handa na ako lahat tsaka pa siya nagkasakit!! Gusto ko tuloy siyang puntahan kaya lang hindi ko naman alam ang bahay niya eh >.<

Ang ingay ingay naman sa labas! Nag-eemo kaya ako dito!!! Sino ba yang JenYan na yan?! Ngayon ko lang ata narinig ang pangalan na yun eh, may pangalan bang ganun? Tsaka may artista bang ganun?

Ang alam kong pupunta dito ay yung Jenna Roxas, yung kamukha ni Jelly. Yung tinutukoy ko sa inyo, pssh! Kung si Jelly ang dadating edi natutuwa pa ako ngayon.

"Uyyy Keith, hindi ka ba sasama samen para makita sila Jenna at Bryan?" - classmate kong lalake



"Wala akong balak"
sabi ko na lang sa kanila habang nakayuko

Iniisip ko pa din si Jelly hanggang ngayon, ang lakas talaga ng tama ko dun sa babaeng yun! Ganda ganda kasi eh! Nakakainis lang naman!

.

.

.

.

.

.

Maya maya may kumalabit saken, kinakalabit ako pero hindi ko na lang pinapansin. Jelly... Jelly.... Miss na kita....San ba bahay mo? Gusto kita alagaan eh! Gusto kita makita...Gusto ulit kitang.... walang mababaduyan ah... Y-Yakapin.

"Keith..." - Jelly


Anu ba yang naririnig ko kaboses ni Jelly, ang sweet voice ni Jelly. Lalo ko siyang namimiss! Anu ba naman yan may JellDrome na ata ako eh >.< Jelly Syndrome yun! Ang korny ko noh? Kung anu-ano ang naiisip ko.

Niyuyugyog na niya ako, ano ba naman yan! Ang kulit naman nito eh! Sinagi ko lang yung kamay niya. Pero hindi pa din siya humihinto sa pagyugyog saken! Ano ba naman yan!?

Nilingon ko siya at nakita ang Angel ko na si Jelly na naka smile saken tapos....tapos....tapos...

I-KIKISS NIYA KO?!

Wait! Hindi pa ako ready sa ganito, anung ibig sabihin ng ginagawa ni Jelly?! Is this a YES? Hindi ko pa nga napaptunayan na may saket siya eh tapos hahalikan niya agad ako?! I-reready ko na lang ang lips ko, eto na....eto na... malapit na kameng mag-kiss ni Jelly..ayan na!!

.

.

.

(COMPLETE/EDITING) My Secret Identity: Two Different WorldsWhere stories live. Discover now