Chapter 21

148K 2.1K 782
                                    

                                                             

                                                 *****

Naglalakad palabas ng kanilang bakuran si Pierce para katagpuin ang mga kabarkada sa isang bar. Nauna nang umalis ng bahay si Clarisse para sa dinner appointment nito. Based on the usual boring outfit she's wearing, he's quite sure na work related nga ang pupuntahang dinner ng abogada. Kaalis din lamang ng babae at inutusan pa nga siya nitong ilabas ang kanyang sasakyan na nakaharang sa driveway. Dahil may lakad na rin siya di na siya nag-abala pang ipasok muli ang kotse sa garahe sa halip ay ipinarada na lamang ito sa tabing kalsada.

Before he entered his car, inilabas niya muna ang cellphone upang tawagan ang isa sa mga kaibigan.

"Pierce."

He stopped dialing at mabilis na nilingon ang pinanggalingan ng medyo pamilyar na boses. He almost couldn't believe for what he saw. Scarlet is standing right accross the street beside a post light while looking at him intently. Napakurap siya ng ilang beses upang masiguradong hindi siya dinadaya ng mga mata. At nang matiyak na ang babae nga ito, napapangangang lumapit siya dito.

"W-What are you doing here?" hirap maniwalang tanong niya.

"H-Hi!...I came to see you," she said with a hesitant smile.

Pierce gazed at her beautiful face keenly. Down to her luscious neck, to her slim body and to her sexy long legs. She's wearing a button pink and white floral blouse, turquoise flowy short skirt and a pair of white wedges. Damn! The missing goddess is truly making an apparition in front of him.

Gusto niyang imbitahan ito sa loob ng bahay subalit naisip niyang baka biglang bumalik si Clarisse at mahuli sila. Iginala niya ang mga paningin sa paligid upang tiyaking walang mga matang nakatingin. Then he held her wrist and invited her inside his car. Binuhay niya muna ang makina at aircon saka hinarap ng maayos ang tahimik at kiming katabi.

"How are you?" he asked in a gentle manner.

"I'm okay.." she answered with  bit of uneasiness.

Ngayong nasa tabi na ni Pierce ang babaeng hinahanap-hanap, he can't deny that excitement starts to engulf him. And just by the mere thought na kasama niya ito sa loob ng sasakyan, unti-unti niya nang nararamdaman ang pagtaas ng temperatura ng kanyang katawan. But as much as he wanted to express his desire, pinili niya munang magpakagentleman. Pagkatapos ng hirap na pinagdaanan niya sa paghahanap sa dalaga, he'll not do anything na ikaka-offend nito sa mga sandaling iyon. Iiwasan niyang umalis na naman ito nang walang anumang ibinibigay na impormasyon tungkol sa sarili.

He decided to listen for what she has to say. Ramdam niyang may rason kung bakit kusa siya nitong pinuntahan. Binuhay niya ang ilaw sa sasakyan matapos mahalatang naasiwa ang babae sa may kadilimang paligid. The car is darkly-tinted so he doesn't worry much na may makakakita sa kanila sa loob.

Love Me TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon