Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte

Chapter 01: Always is Easy (part 2)

40.5K 2.6K 802
                                    

Pagbalik ko sa studio, nag-iinat na si Warren. Iniikot ang mga balikat niya habang nakaupo pa rin. Nakatingin siya sa 'kin hanggang sa makalapit ako sa desk ko.

"Ano'ng problema?" tanong niya pagkatapos sipatin ang mukha ko.

"Ha? Ano'ng ano'ng problema?" balik-tanong ko sa kanya.

Umupo ako sa tabi niya at kinuha ang phone ko. Pagbukas ko ng Wattpad notif ko, nag-vote na agad ako bago ko pa makita ang first line ng story. Makaambag man lang sa vote count ni Author dahil hindi naman ako nagko-comment talaga. Silent reader ako, eh.

"Pangit update sa binabasa mo?" he asked. Humikab pa. 'Yong kabilang balikat naman niya ang iniikot niya.

"Hindi ko pa nga nababasa ang update," mahinang sabi ko. "Magbabasa pa lang sana ako."

He still looked at me as if I'm interesting. "Ba't ganyan mukha mo?"

"Ano?"

Sinalubong ko ang mga mata niya. Ilang segundo na nakatingin lang kami sa isa't isa. Kumunot ang noo niya, nagbago ng topic.

"Wala na pala sila," aniya.

Ngumuso ako. Akala mo talaga, hindi niya alam, eh. Modus nito. Lagi kaya siyang saktong gumigising 'pag tapos na ang meeting at wala na ang mga kaklase namin.

"Natutulog ka ba talaga kanina?" tanong ko.

"Medyo lang. Ingay, eh."

Luh. Maingay talaga kasi meeting 'yon. Ni hindi nga siya dapat natutulog.

"Floor director ka," ani ko.

"Narinig ko pa 'yon," sabi niya. "Wala akong news report na gagawin?"

"Wala."

"Nagugutom ka? Kain tayo."

Kain na naman. Kaya wala akong ligtas sa pagtaba, eh. Kapag sa bahay namin, puno ng pagkain ang ref. Kapag nasa compound ako, laging may cupcakes, muffins, o cake na libre kay Auntie Mona. Kapag nasa school naman, laging nagyayaya si Warren na kumain. Eh, hindi naman ako blessed sa mabilis na metabolism gaya niya, ni Iya, o ni Yanyan.

"Ang taba ko na," sabi ko.

Tumiim ang labi niya. "Ano'ng problema ro'n? May nagsabi uli sa 'yong mataba ka?"

Lulubog sana ako sa upuan ko pero hindi ako kasya. Hays.

"Wala. Ano'ng kakainin natin?" sabi ko na lang.

Okay naman na 'ko kanina bago ako umalis sa restroom. Naghilamos ako para mawala 'yong oil sa mukha ko. Hindi rin ako umiyak. Pero dahil nagtanong si Warren ng 'Ano'ng problema?' parang gusto kong magsumbong.

"Wala ka naman yatang gana," aniya.

Nakiramdam ako sa tiyan ko. Medyo nalulungkot lang ako pero gusto niya ng pagkain. Hays.

"Lilibre mo 'ko?" tanong ko.

"Oo."

"Wala kang dalang cake ni Auntie Mona?"

"Wala, eh."

Ang sarap sanang kumain ng cake ni Auntie. It was comforting like warm days and good friendships and familiarity. Mabilis makagaan ng loob.

"Magdadala ako bukas," sabi ni Warren.

Namilog ang mata ko sa kanya. "Totoo?"

"Oo."

Nangiti ako. "Sige. Dala akong lemonade bukas?"

"Sige."

"May tennis practice ka, 'di ba? Pupunta ka na?"

Clueless (Candy Stories #3) (Published by Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon