Pabalik-Balik

275 1 0
                                    

Minsan na nilang nasabi na sana ikaw ang nasa lugar ko ngayon.
Para madama mo rin yung sakit na nadadama ko mula nung bumitaw ka noon.
Ngunit... Bakit ko naman hahayaang madama mo rin ito?
Nasaktan mo man ako, ikaw pa rin ang mahal ko.

Sana lang alam mo rin na sobrang hirap para sakin.
Ang hirap manood habang sa iba ka na nakatingin.
Sana alam mo na umaasa pa rin ako.
Umaasa na ako'y babalikan mo.

Siya yung bagong bumihag sa iyong puso.
Nakakainggit... Dahil sobrang swerte niya, mahal ko.
Mararanasan niyang mahalin, maalagaan, at maprotektahan ng isang tulad mo.
Mga bagay na ginawa mo rin noon... Nung mayroon pang "tayo".

Ang sakit. Ang sakit sakit. Napaka-sakit.
Alam kong nasasaktan na ko pero bakit?
Bakit patuloy pa rin akong kumakapit?
Bakit patuloy pa rin akong umaasa na babalik ka pa ulit?

Alam ko sa sarili ko na walang nang pag-asa.
Ikaw na mismo ang nagsabi na wala na.
Sayo na nanggaling na tapos na ang ating istorya.
Alam kong wala na... Pero bakit mahal pa rin kita?

Kay sarap umasa na ito'y isang panaginip na masama.
Na bukas pagkagising ko, pagmamay-ari pa rin kita.
Ngunit sa bawat umagang dumadaan, sinasampal ako ng realidad.
Na wala na yung taong minamahal ko nang sagad.

Iiyak nanaman ako, magtatanong kung bakit nagka-ganito.
Sisihin ko ulit ang sarili ko kung bakit ako'y iniwan mo.
Buong akala ko... Malayo na ang aking natakbo.
Ngunit paglingon ko, nasa simula nanaman ako ng proseso.

Oo tama... Pabalik-balik ako sa simula, aking sinta.
Kapag malapit na kong makalaya, hinahatak ako pabalik ng ating mga alaala.
Maaalala bigla kung paano ka ngumiti at tumawa.
Maaalala bigla kung paano tayo nagkakilala.

Pabalik-balik ang sakit at hirap na nadadama.
Inakalang ako'y nakalaya na ngunit hindi pa pala.
Mahihirapang huminga, papatak ang mga luha.
Paulit-ulit sasambitin ang katagang,  "MAHAL NA MAHAL KITA".

Nababaliw na ang aking puso't isipan.
Samantalang ikaw, may bago nang napupusuan.
Hinahanap-hanap ko ang iyong mga yakap at halik.
Samantalang ikaw, sa kanyang "oo" nasasabik.

Pabalik-balik ako sa nakaraan na walang hirap mong binaon sa limot.
Pabalik-balik ako, pilit hinahanap ang sagot.
Sagot sa kung bakit naging ganito ang wakas ng ating kuwento.
Bakit hindi ikaw at ako ang nagkatuluyan sa dulo?

Ang hirap huminga, sumisikip ang aking puso.
Para bang pinipiga't tinatadtad ng kutsilyo.
Pabalik-balik sa simula, hindi magawang lumagpas.
Kay hirap mong kalimutan, ikaw na minamahal ko nang wagas.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon