Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

Chapter 02: Something to Look Forward to

42.6K 1.8K 928
                                    

Sa bibig na 'ko humihinga habang mabigat ang mga paa ko sa pagtakbo. Ang init na ng katawan ko. Gumagapang ang pawis sa noo ko samantalang wala pa kami sa park na iikutan namin. Si Warren, malabo na sa paningin ko.

"Okay ka pa?" I heard him ask.

Huminto ako at suminghap ng hangin. Gusto ko nang sumuko sa gravity. Okay lang kung pagugulungin na lang ako ni Warren sa kalsada pauwi. Hindi ko na kayang dalhin ang katawan ko. Yumuko ako at tumukod sa mga tuhod ko.

Ang alam kong usapan, magja-jogging kami. When he said he's running in the morning, takbo pala talaga. But jogging or running, this is too much too soon for a plot twist.

"Hindi puwedeng ganyan ang posture mo. Mahihilo ka," sabi ni Warren.

Umiling ako. It was hard catching my breath and harder trying to speak. I couldn't even check on him.

Naramdaman ko ang palad niya sa magkabilang balikat ko. Itinutuwid niya ako ng tayo.

"Wait..." 'Wag mo 'kong patayin, please.

"Stand straight," aniya.

Nagawa niya 'kong iayos. At bago ko pa mahamig ang hininga ko para mainis, tumuwid din siya ng tayo sa likod ko at idinikit ako sa katawan niya.

"Sumandal ka na lang sa 'kin. Basta 'wag kang yuyuko dahil lalo kang mahihilo."

Hala. Ang bigat-bigat ko, eh. Baka madaganan ko siya.

Hahakbang sana ako para dumistansiya pero pinigil niya 'ko sa balikat.

"Hep. Dito ka lang sa 'kin," sabi niya.

"Bahala ka diyan, ah. Mabigat ako."

"Sumandal ka."

Sumandal ako sa katawan niya. He's warm and steady against the late February chill. Hindi man lang ba siya napagod o nilamig? Kahit nang tumatakbo kami kanina at naka-jogging pants at sweater ako, tumatagos ang lamig na sinasagasa namin.

"Tubig?" alok niya.

Umiling ako. Siya ang may dala ng tubig namin sa hydration vest na suot niya. Pocketed vest 'yon na naka-strap sa balikat at dibdib niya; nakapatong sa jersey. Black shorts ang pang-ibaba niya. Black din ang running shoes. Grayish pink naman ang jacket at jogging pants ko. Gray ang running shoes.

Sumampay ang braso niya sa balikat ko nang buksan niya ang bote ng tubig. Narinig ko ang paglunok niya nang uminom. Tiningala ko naman siya.

Grabe. Hanggang leeg niya lang ako 'pag hindi ako naka-heels.

Alas singko pa lang ng umaga pero malinaw ko siyang nakikita dahil sa streetlight sa likuran. Ang ganda ng side profile niya habang umiinom sa bote. Pang-commercial ng softdrinks or beer.

Unfair. Mukha siyang magsu-shoot ng commercial habang ako, mukhang bloated na pink na suman.

"Ilang oras na tayong tumatakbo?" tanong ko.

He chuckled. Ibinalik niya ang tubig sa vest na suot. "Fifteen minutes pa lang. At ako lang ang tumatakbo. Nagja-jogging ka lang."

"Hindi ah! Fifteen minutes lang 'yon?"

"Oo nga."

Parang mahaba na 'yon, enough para mag-give up. Ba't gano'n? "Sure nga?"

"Oo nga."

Hala. Hingal na hingal na 'ko, fifteen minutes pa lang talaga 'yon? At jogging pa lang 'yon?

"Tama ba'ng paghinga mo habang tumatakbo... nang mabagal?" tanong niya. Idiniin niya pa talaga 'yong mabagal eh.

Clueless (Candy Stories #3) (Published by Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon