IX - Magical Forest

26.4K 1.3K 244
                                    


IX - Magical Forest


Sa bandang kanluran ng eskwelahan, nagtipon sa masukal na gubat ang mga hayop na kung tawagin ay Uldin. Ang mga uldin ay mga uri ng hayop na may mataas na antas ng katalinuhan kumpara sa iba. Ang mga ito ay maihahalintulad sa isang normal na tao. May kakayahan ang mga ito na makapag-isip ng plano at malinlang ang mga kaaway.

Sa kasalukuyan, ang buong klase ni Ariadne ay nagtipon sa nasabing lugar.

"Hwaaa~ First time ko maka-punta sa gubat!"

"Parang sa camping lang namin dati sa school!"

Puno ng excitement ang mga bata habang nakatingin sa paligid. Ang iba sa kanila ay naglabas ng cellphone at kumuha ng larawan. Sa gitna ng gubat, may isang malaking bahay na yari sa kahoy. Dalawa ang palapag nito at may asul na kulay ng bubong. Malawak ang loob nito at wala masyadong kasangkapan. Tanging kusina lang ang may kumpletong gamit.

"Nandito kayo para mag-sanay. Lahat ng kailangan ninyo ay nasa loob ng bahay." Ito ang sinabi ng gurong si Belva bago ito umalis. Hindi ito nagsabi kung kailan babalik.

Para kay Ariadne, isa itong parusa sa grupo nila. Ang gubat ay napupuno ng mababangis na hayop. Siguradong isa-isa silang mababawasan. Ito ba ang gusto ng mga mago?

Nag-umpisa ang lahat dahil sa away ng mga bata. Mula unang araw palang nila sa paaralan ay mainit na ang tingin sa kanila ng mga batang mago. Mas mababa pa sa mga dulan ang tingin sa kanila ng mga ito. Dahil kung ikukumpara ang dalawang lahi, ang mga dulan ay nagmula parin sa mundo ng Liyandra. Samantalang sila ay mga taga-labas. Tinuturing na traydor ang mga pamilya lumikas sa kanilang mundo.

Noong gabing lumabas si Ariadne, bumalik si Rona kasama ang ilang bata na puno ng bugbog at pasa ang mga katawan. Dahil dito, ang mga bata ay naghamon ng away sa mga batang mago. Lumaki ang away at ang buong canteen ay nasira.

Ang mga bata na kasama ni Ariadne ang pinaka-nagtamo ng maraming sugat. Ngunit sa mata ng mga mago, sila parin ang nagkasala. Kaya naman kaagad silang ipinatapon sa kagubatan upang parusahan.

Pero hindi ito alam ng mga bata maliban kay Ariadne at ang mga pinaka-matanda sa kanilang grupo. Ang mga binata at dalaga na may edad labing-tatlo hanggang labing-lima ay nag-uusap sa loob ng bahay ngayon. Siguro ay nagp-plano sila ng gagawin.

"Wow! May nakita akong bunny! Tignan ninyo daliiii!"

Nang marinig iyon ni Ariadne, kaagad siyang tumayo mula sa kinauupuan na hagdan sa labas ng bahay. Tumakbo siya papunta sa mga bata na may tinitignan na kuneho.

"Hala ang cute! Pakainin natin ng carrot!"

"Bunny, come here!"

"Look here, bunny!"

"Ang taba naman ng bunny! Gusto kong hawakan!"

Nakita ni Ariadne ang nakatalikod na kuneho. Mabilis siyang naghanap ng mahabang sanga at kinuha ito. Lumingon ang puting kuneho sa mga bata at kaagad na nagulat ang mga ito sa nakita. Sa gitna ng noo nito naka-tirik ang isang sungay. Kasing haba ito ng kanilang hinliliit na daliri.

"Lumayo kayo!" sigaw ni Ariadne.

Matapos iyong sabihin ni Ariadne, sakto na tumalon ang kuneho papunta sa mga bata. Kaagad na hinampas ni Ariadne ang kuneho gamit ang mahabang sanga.

"KYAAAAAAAAAAAAHHHH!!!!"

"Kawawa naman yung rabbit!"

"Addy, bakit mo hinampas?!"

A Taste of Poison [Under ABS-CBN Publishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon