Chapter 12

24.3K 991 319
                                    




"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko kay Acey nang makita na naman sya sa tapat ng condo unit ko.

"Tita Acey!" masiglang sigaw ni Kevin at patakbong sinugod si Acey.

Talaga naman oh tuwang tuwa talaga ang batang 'to sa babaeng 'yon.

Tumingin sya sakin at ngumiti. "May ipapakita ako sayo kaya ako nandito."

Napataas kilay ko. "At ano naman 'yon?" lumakad ako papunta sa kanila at binuksan ang pinto.

"Pero pakainin mo muna ako." agad akong napatingin sa kanya at all smile naman sya.

"Kapal." sabi ko sa kanya. Pumasok kami sa loob.

"Wow mommy! ang ganda ng condo ninyo po." ngayon lang kapasok ng condo ko si Kevin since itinatago ko nga ito sa kanila ni Lorenzo. Miski nga si Jelly hindi alam 'to kaya nakakapagtataka na alam ito ni Acey.

Simula rin ngayon ay rito na titira si Kevin dahil magbabakasyon sila Mama sa ibang bansa ng isang buwan, 55th anniversary nila ngayon. Medyo matanda na sila at gusto nilang mag-aliw aliw muna at mag-travel sa buong mundo.

About naman samin ni Lorenzo at ng kabit nya kung alam ba nila Mama? syempre hindi, ang alam lang nila na may hindi kami magandang pagkakaunawaan ngayon ni Lorenzo at dalawa lang kami ni Kevin kaya sa kanila ko muna pinatira si Kevin dahil sinabi ko na magiging busy ako this month na hindi naman ganon masyado. Dinahilan ko lang 'yon para hindi na sila magtanong pa ng kung ano.

Hinayaan ko sila Kevin kung ano man ang ginagawa nila at nagsimula na lang akong magluto ng kakainin naming tatlo. After thirty minutes na pagluluto natapos ko rin, inihanda ko na ang lamesa para makakain na kami, nang matapos ko 'yon ay tinawag ko silang dalawa.

Nag-uunahang pumasok naman yung dalawa hanggang sa paunahan makaupo.

"I won!" sigaw ni Kevin. Natawa ako dahil natumba sa upuan si Acey kakamadali.

"Karma." asar ko sa kanya. Sinamaan nya ako ng tingin bago umayos ng upo.

Umupo naman ako sa tabi ni Kevin. Nag-umpisa kaming kumain, panay ang kwento ni Kevin kay Acey kung ano nangyari sa kanya sa school. Naging masaya ang hapagkainan namin dahil sa mga kwento ni Kevin. 

Tapos na kaming kumain ni Acey pero si Kevin ay hindi pa dahil nga inuna nya pa ang pagkwe-kwento pero hindi namin sya iniwan.

"Ano pala ang ipapakita mo?" tanong ko kay Acey. Uminom muna sya ng tubig bago ako sagutin.

"Joke lang 'yon." ngising sabi nya. Sinamaan ko sya ng tingin, ngisi-ngisi naman sya. Naisahan nya ako roon. "Hey kiddo, pasyal tayo bukas? wala ka naman pasok bukas dahil sabado."

"Sige po! kaso po..." tumingin sakin si Kevin pati na rin si Acey. "Mommy pwede po akong sumama bukas kay Tita Acey?"

"Don't be KJ babe..gusto ko lang makabonding 'to si Kevin." nakangiting sabi ni Acey. "O kung gusto mo ay sumama ka na rin samin."

"Oo nga mommy! sama ka na lang please, please, please, please." nag-puppy eyes pa 'tong si Kevin para lang sumama ako sa kanila.

"I don't know Kevin, madami pa akong gagawin sa shop." sana maintindihan nya na ayokong sumama sa binabalak nila. Napasimangot sya at pinagpatuloy na lang ulit ang kumain.

"Tsk..KJ." rinig kong bulong ni Acey pero hindi ko sya pinansin.

"Tapos na po akong kumain." malungkot na sabi ni Kevin at lumabas ng dinning area. Nakasunod lang ang tingin namin sa kanya.

KabitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon