Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte

Chapter 02: Something to Look Forward to (part 2)

37.1K 1.9K 530
                                    


"Hindi ka kumakain nang maayos," sita ni Warren sa pagitan ng lunch namin sa school canteen.

Hati sa dalawa ang serving ng kanin ko, piccadillo, at chop suey. Naitaob ko na ang mangkok ng free soup. At tinidor ang ginagamit ko para makasubo.

"Maayos naman, ah," nakasimangot na sabi ko sa kanya. "Kainin mo 'yang maraming pagkain mo diyan kaysa sa 'kin ka namumuna."

Nakakainis ang kanin. Puting-puti 'yon at umuusok. 'Yong piccadillo, kahit hindi ko ilapit ang ilong ko, naaamoy kong masarap. At 'yong chop suey, nangingintab sa plato. Maraming cauliflower 'yon at may atay. Gusto ko ang atay. Kaso hindi ko naman puwedeng kainin lahat.

Ilang araw na 'kong tumatakbo at nagkokontrol sa pagkain. Nabawasan lang ang pamumulikat ko pero ang timbang ko, halos gano'n pa rin. Hindi naman yata ako papayat.

"Nakakainis..." bulong ko bago tusukin ang carrots sa chopsuey. Isinubo ko 'yon. "Nakakainis talaga."

Tumikhim si Warren. Tumingin naman ako nang masama sa kanya.

"Ano na naman?" Puna nang puna 'tong Warren Tejeron na 'to. Por que guwapo siya tapos maganda katawan niya tapos wala siyang taghiyawat.

Mahina akong umangil.

Hinawakan niya 'ko sa pupulsuhan at kinuha sa kamay ko ang tinidor na gamit ko. Pinalitan niya 'yon ng kutsara. Pinagdikit niya rin sa plato ko ang hinati kong kanin at hinalo ang ulam ko.

"Ano ba?! Bakit mo 'ko pinapahirapan?" Nagutom lang ako lalo sa ginawa niya.

At parang hindi pa tapos ang torture, inilabas niya sa bag niya ang baunan na may dalawang slice ng cake na siguradong bake ni Auntie Mona.

Naunang tumulo ang luha ko kaysa sa laway ko. Gutom na gutom na nga ako, pakikitaan pa 'ko ng cake! Alam na nga niyang umiiwas ako sa lahat ng klase ng cake!

"Hey..."

"I hate you," sabi ko kay Warren at pinahid ang luha sa pisngi ko. "Ayoko sa cake na 'yan. Ayoko sa pagkain na 'to. Ayoko sa lunch. Ayoko na sa 'yo. Ang sama-sama mo!"

Nangiti pa siya kahit sinabi ko nang ayoko sa kanya. Akala niya ba, hindi totoo 'yon? Ayoko na talaga sa kanya mula ngayong araw hanggang sa mga susunod!

"Hindi totoo 'yan," malumanay na sabi niya. "Nagugutom ka lang."

"Alam mo naman palang nagugutom ako!"

"Kaya kumain ka," sabi niya at tumango sa pagkain ko. "Isang cup lang ng kanin 'yan, hindi ka tataba diyan. 'Yang ulam, protina 'yan. At 'yang chop suey, puro gulay lang 'yan. Kailangan mo 'yan para may energy ka. Sabi ko naman sa 'yo, you have to eat right, not necessarily eat less."

Ngumuso ako at pabulong na ginaya ang sinabi niya. "Eat right, eat right..."

Pinisil niya ang magkabilang pisngi ko.

"Ano ba..."

"Bubuyog ka ba?"

" 'Wag mo 'kong pisilin sa pisngi. Iiyak ako..."

"Magmumukha kang sipunin," aniya.

Tinapik ko ang kamay niya sa pisngi ko pero ayaw niyang tanggalin. "Ano ba, Warren?!"

"Makinig ka sa 'kin para hindi ka magutom."

Sumimangot ako at nag-iwas ng tingin. Kaya nga ako nagugutom, dahil nakinig ako sa kanya. Kung hindi ako tumatakbo-takbo sa umaga, wala akong effort na panghihinayangan para mag-diet. Kung hindi ako nagda-diet, makakain ko ang mga gusto ko.

Clueless (Candy Stories #3) (Published by Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon