Chapter 43

1.7K 81 89
                                    


Chapter 43 - Hers

Soundtrack: I Hate U, I Love U by Gnash ft. Olivia O'Brien


"Andrea June."

And my heart reacts at once.

"J-jacin" Lumingon man ako o hindi, I know it's him.

He smiles faintly, "Had fun with Yuan?"

Tumango ako. Malamlam ang mga mata niya. He looks tired, at mukhang kanina pa siya nandito... naghihintay. "K-kanina ka pa?"

Si Jacin naman ang tumango. "You're both so happy. I didn't want to interrupt." He say while looking at the ground, still smiling faintly.

Nilapitan ko siya, hinawi ang itim niyang buhok na tumatakip sa noo niya upang damhin ito. Hindi naman siya mainit...

"I'm fine June." Dahan-dahan niyang inalis ang kamay ko, "Here." Binukas niya ang palad ko at pinatong doon ang isang maliit na box. "I wanted to surprise you... but I was the one who got surprised."

"J-jacin..."

"Good night." Binitawan niya ako at naglakad na papunta sa pulang Lamborghini niya nanakaparada sa gilid ng bahay.

"A-aalis ka na agad?"

Huminto siya sa driver side ng sasakyan at muli akong hinarap, "Early training tomorrow."

Pero gusto pa kitang makasama... dito ka muna.... Namimiss na kita...

Lumunok ako dahil baka masabi ko na naman ng malakas ang nasa isip ko. I clear my throat before nodding. "S-sige. Pahinga kang mabuti. Ingat ka sa pag-drive."

He nods too. Gaya ng ginawa ko kanina kay Yuan, kumaway ako hanggang sa mawala ang pulang sasakyan niya sa paningin ko.


"Nay, kanina pa po ba nandito si Jacin?" tanong ko agad pagpasok ko ng bahay.

Tumango si Nanay, "Kanina pa, maliwanag pa nandito na siya't hinihintay ka."

Biglang bumigat ang pakiramdam ko. Ang tagal niya pala akong hinihintay... kahit busy siya sa training at maaga siya bukas, hinintay niya pa rin ako. "Tinext niyo po sana ako, umuwi po sana ako nang maaga."

"Gano'n nga sana ang gagawin ko. Kaya lang sabi niya gusto ka raw niyang surpresahin kaya hindi na ako nag-text. Kanina ko pa nga pinapapasok sa loob pero gusto niyang sa labas ka na hintayin. Nagkausap naman ba kayo ng maayos?"

"Opo..." na sinundan ko ng bulong, "S-siguro..."

"May problema ba kayong dalawa?"

"Wala naman po..." napabulong ulit ako, "Siguro..."

Bumuntong hininga si Nanay bago umiling-iling, "Kumain ka na ba?"

"Busog pa po ako."


Pumasok ako sa kwarto ko at saka ibinagsak ang sarili sa kama. Pinagmasdan ang maliit na box na binigay ni Jacin... na amoy perfume niya.

Buong pag-iingat ko itong binuksan at tumambad sa'kin ang isang pares ng hikaw.

It's little black star with golden edges, maliliit na black crystals naman na nakapabilog ang pakaw nito.

Ang ganda!

Kinuha ko ang phone ko at agad tinext si Jacin.


Me: Thank you Jacin! Ang ganda ng hikaw! Sobrang nagustuhan ko! :D

Fixing Mr. Perfect (Pyxis #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon