Dating SEVEN 4

755 32 1
                                    


Chapter 3

Madison's POV

Kasalukuyan kaming nasa Restaurant, hindi ko man maintindihan bakit nagsisigawan at nagtatalo si Kuya Seven, Kuya Topher at Ace...dahil sa anong magandang color para daw sa bag ko na dadalhin sa school—noong una gusto ko silang awatin pero pinigilan ako nung nakakatakot na si Kuya Vincent " Don't mind them, you'll caught their stupidity. "

Kaya ayun... tahimik ko na lang silang pinagmamasdan habang umiinom ng juice na binigay ni Ate Rocky. Nang lumapit saakin si Chandra.

" Nagtatalo parin sila hanggang ngayon?! Tsk-tsk, mamaya masisigawan na yan ni Vincent! " Sabi niya na iiling iling. Wala sa sariling napatango na lang ako.

" Madi! Diba mas gusto mo yung color Red?! " —Kuya Topher .

" Don't call her MADI! She's my Madison!! Madi, darling diba mas cute kapag PINK? You like pink right? " —Kuya Seven.

" Nah-ah! Dapat White para Maharlika! Diba Madi? With ribbons!! " —Ace.

Tapos nagtalo na uli sila.
* sigh *

Bakit nga ba uli sila nagtatalo?

* Earlier *

" Madison, I want you to meet someone. Remember Topher? " Bungad saakin ni Seven pagkalabas na pagkalabas ko ng pinto. Huh? Kanina pa siya naghihintay sa labas? Bakit hindi siya kumatok? Napakurap lang ako at tumitig sa kaniya.

" Umm...let's sit first. "
Awkward na sabi niya at nag iwas ng tingin.

" ...? "
Inilalayan niya ako dahil nga medyo hindi pa ako sanay kumilos gamit ang saklay ko. Umupo kami sa sofa, humarap si Kuya Seven saakin at nagseryoso ng tingin. M-may nangyari ba dun sa Topher?

" I'm still worried about you going to school alone, and you're still recovering from the accident. Kaya yung pagpasok mo sa school—ipagpaliban muna natin. " Seryosong paliwanag ni Kuya Seven habang nakatitig sa mukha ko. Hindi ko alam kung galit ba siya o ano kasi sobrang serious nang mukha niya. Galit ba siya? Papagalitan ba niya ako? Kinabahan ako bigla kaya nagbaba ako nang tingin at tumango na lang.

" Heyyyy! I'm not Mad. I'm just saying you can't go for now. Instead I'll hire Topher as your temporary tutor. " Agad na sabi niya nang magbaba ako ng tingin. Pano niya nalaman yung iniisip ko?? Hindi ko maiwasang hindi humanga sa kaniya. Sa ilang linggo na pagsasama namin lagi na lang niya nahuulaan ang iniisip ko. Minsan nagtataka na rin ako dahil kahit walang expressions sa mukha ko, lagi pa din niya nahuhulaan kung ano ang naiisip o nararamdaman ko. Ang galing talaga ni Kuya Seven. Baka—yun yung dahilan bakit yung matandang ako noon ay nagkagusto sa kaniya? * heartbeat *

Huh?

Bakit parang tumalon yung puso ko? Ano yun? Mag sakit ba ulit ako? Mas lalong lumakas ang pagtibok niya nung hinawakan ni Kuya Seven yung baba ko dahilan para magtama yung paningin naming dalawa. Nakangiti siya, napansin ko kapag ngumingiti siya pati mata niya nakangiti tapos nawawala yung mata niya kasi singkit siya. Kapag ang lapit niya saakin parang nahihiya akong titigan siya sa mata. Kinakabahan din ako na parang nahihiya. Ano ba to?

AN: [ That's a disease called CRUSH! Lol. ]

" Madison? "
Biglang tawag saakin ni Kuya Seven.

Seducing SEVENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon