Chapter 13

23.3K 921 182
                                    




Maru's POV

Alas dies na kami ng gabi nakauwi ng bahay, yeah sa bahay na mismo namin kami uuwi ni Kevin dahil ayon ang condition ng isa. Tulog na tulog na si Kevin nung makauwi kami kaya binuhat na lang sya ni Acey.

"Ang bigat naman nito." reklamo nya. Ginusto nya 'yan eh.

Ako na nagbukas ng pintuan. Nauna akong pumasok sa kanila. Pinagmasdan ko ang bahay. Medyo malinis pa naman ang sala.

Iniakyat ni Acey si Kevin sa kwarto nya. Pinuntahan ko muna ang kusina dahil panigurado doon ang madumi at laking gulat ko naman na malinis linis naman pala ang kusina. Pwera lang sa basurahan na punong puno na cup noodles. Seryoso nga sya na puro noodles ang kinakain nya.

Umakyat na ako sa kwarto namin ni Lorenzo, walang pinagbago sa ang kwarto namin. Nagbihis na ako pantulog dahil napagod rin ako sa nangyari samin ngayong araw. Masyadong makulit kasama yung dalawa, tinalo pa ni Lorenzo kapag sila ni Kevin ang magkasama. Medyo strict pa si Lorenzo, hindi nya pinapayagan si Kevin sa mga nakakatakot na rides katulad ng roller coaster. Hindi katulad ni Acey na go with the flow kay Kevin. Ako ang kinakabahan sa kanila kapag napupunta sila sa mga nakakatakot ng rides.

Pero sa buong araw na mas kinabahan at natakot ako ay nung nasa Zoo kami. Napaiyak pa nga ako sa sobrang takot na makuha ng gorilla si Kevin at kung anong gawin. Napabalita pa naman dati ang isang batang kinaladkad ng isang gorilla. Nakakaawa ang batang 'yon dahil hindi talaga sya binitawan ng gorilla kaya natatakot akong mangyari rin 'yon sa anak ko.

Mabuti na lang maagap si Acey at tinulungan nya ito bago pa tuluyan mahulog. Doon ko nakita na pwede ko naman pala pagkatiwalaan si Acey kay Kevin dahil kahit isang katiting suko ay hindi ko nakita sa kanya. Pinipilit nyang hilahin si Kevin at laging sinasabi na ililigtas sya.

Kung hindi lang sya naging kabit ng asawa ko, siguro naging mabuti pa kaming kaibigan.

Napabuntong hininga na lamang ako at humiga pero pumasok si Acey ng kwarto. Napatingin ako sa suot nyang nighties.

"Nag-enjoy ka ba?" tanong nya. Napaangat ang tingin ko sa mata nya.

"Hindi." shit nahuli nya akong nakatingin sa katawan nya.

"Huh? hindi ka nag-enjoy ngayong araw?" yung nangyari ba ngayong araw ang tinutukoy nya? akala ko...

"Ayun lang ba ang sasabihin mo? matutulog na ako." sabi ko sa kanya para maiwasan ang hiyang naramdaman ko. Kasi naman!

"Bakit? ibang enjoy ba ang iniisip mo?" napatingin ako sa kanya at naka-smirk na sya ngayon. Tumayo sya sa paanan ng kama. "Akala mo hindi ko nahuli ang pagtingin mo sa katawan ko?" nakangisi pa rin na sabi nya.

"Wha-what? pinagsasabi mo? umalis ka na nga!" humiga na ako at nagtalukbon ng kumot na hindi nya makita ang pamumula ng mukha ko. Nahuli nya nga ako! kasalanan nya 'yon! nagsuot suot sya ng ganon tapos wala pang bra, kita kaya yung ano nya!

"Sabi ko sayo, pwedeng pwede mong tignan ang katawan ko." kapal naman nito, may abs lang sya pero hindi sya sexy!

Bigla akong nagtanggal ng kumot nang maramdaman kong nasa kama na rin si Acey at ang malala pa ay nasa itaas ko sya.

"Acey!" sigaw ko sa kanya pero nginisan nya lang ako at walang pakundangang isinubsob nya ang mukha nya sa leeg ko. Tinutulak ko sya pero ayaw nyang magpatulak, lalo nya pang binibigatan ang sarili.

"Wag ka ng magulo, pagod ako." sabi nya. Nakikiliti ako nang madama ko ang pagbuga ng hininga nya sa leeg ko.

"Pagod din ako, Acey. So please lang umalis ka dyan!" inis na sabi ko. Tinutulak tulak ko pa rin sya pero ayaw talaga nakakainis sya!

KabitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon