Chapter 44 ♥ Confused Heart

26.7K 413 161
                                    

~unedited.

Chapter 44 

Una kong naramdaman ay ang paninigas ng mga kamay ko. Pakiramdam ko kahit anong gawin ko hindi ko ito maigalaw. Isang daliri, dalawa... konting galaw lang ay bumabalot ang sakit na hindi ko mawari kung saan nanggagaling. Iminulat ko ang mga mata ko at sinalubong ng isang napakaliwanag na ilaw kaya muli ko itong ipinikit. Sinubukan ko ulit na imulat ang isang mata. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ito maimulat ng mabuti. Pumikit ulit ako, at dahan dahang iminulat ang dalawang mata sa pangalawang pagkakataon. Nasa loob ako ng isang kwarto. Puti ang lahat ng paligid. Inililipad ng hangin ang puting kurtina di kalayuan kung nasaan ako. Base sa liwanag ng araw na nanggagaling dito, nakakasigurado akong mataas na ang araw sa labas. Umaga na.

Pero nasaan ako? Anong ginagawa ko rito? 

Naibaling ang tingin ko sa imaheng nasa tabi ko. Sa may kanan, malapit sa tapat ng balikat ko. Mukha ng natutulog na Jace ang naabutan ko. Kahit pa nakapikit sya at mahimbing na natutulog, hindi naitago rito ang pagod na dinamramdam nya. Tahimik ko syang pinagmasdan. Ngayong nakita ko ulit syang ganito, ngayon ko lang napagtanto kung gaano ko sya namiss. Gusto ko syang hawakan pero hindi ko maigalaw ang isang kamay ko. Hawak hawak nya kasi ito at natabunan ng natutulog nyang pigura. Iginalaw ko ang isang kamay ngunit nakaramdam ako ng sakit. Hindi ko maintindihan kung saan ito nanggagaling. 

I moved and felt a little light headed all of a sudden. Ang init-init ng pakiramdam ko. Ang sakit sakit ng ulo ko. 

May tumulong luha sa mga mata ko kasabay nito ang mahina kong pagsinghot. Dito ko yata sya nagising dahil wala pang ilang sandali nakaupo na sya sa upuan. Tense na tense syang tumingin sa paligid na akala mo ano mang oras ay may lilitaw na kalaban sa harap namin. Noong tumingin sya sa akin, parang hindi pa sya makapaniwala na nakatingin na rin ako sa kanya. Hindi ako nakapaghanda noong bigla nya akong ikinulong sa mga bisig nya. 

"You're awake. Thank God you're awake." paulit-ulit nyang wika habang hinahawakan ako na parang sanggol sa mga braso nya. Sa tono nya para syang tumatawa na maiiyak na hindi ko maintindihan.

So unlike him.

Noong tinanggal nya ang pagkakayakap sa akin, naramdaman ko ang magagaspang nyang mga palad sa magkabilaan kong pisngi.

"May kailangan ka ba? Mas masakit ba sayo? Tell me." Halata ang kaba at takot sa mga mata nya habang ineekspeksyon ang katawan ko kung may masakit ba sa akin o wala. Tiningnan nya ang braso ko, sa mukha ko. Para syang pulis na nangangapa ng ebidensya. 

May sinasabi si Jace ngunit nanatili akong tahimik. Masyadong magulo ang utak ko, hindi ko alam kung ano ang iisipin. Hinawakan ko ang dibdib ko. Bakit ba todo na lang ang kaba nito?

Noong una hindi ko maintindihan kung bakit ganun na lang ang pag-aalala sa mukha ni Jace sa akin. Pero noong maramdaman ko ang hapdi sa mukha ko pati na rin sa braso ko dulot ng mga sugat natamo sa bugbugan, doon ko lang naintindihan.

"Kukuha ako ng tubig." aalis na sana sya pero nahila ko ang laylayan ng damit nya. Bumabalik sa akin lahat. Ang bugbugan, pagsabog, si Blow pati na rin si Pietr. Naguguluhan ako kung bakit nauwi ang lahat sa ganito.

Si Blow puno ng galit dahil sa pagkamatay ng kapatid , si Souta niloko ako, at si Pietr naman... ang mga tingin nya... ang mga sinabi nya sa akin...

Noong nagtama ang paningin namin ni Jace at sa hindi maipaliwanag na pagkakataon, biglang pumasok sa isip ko ang mga mata ni Pietr. Lumuluha sya, puno ng lungkot. Hindi ko ito mabura sa isipan ko kaya agad kong inilayo ang mga mata ko sa kanya.

Kamusta na kaya si Pietr? Ayos lang kaya sya? Napahawak ako sa gclef pendant ko. Sana ayos lang sya. Hindi ko mapigilan ang sarili na huwag mag-alala lalo na't alam ko na nasaktan sya ng dahil sa akin. Pero... bakit nga ba sya ang iniisip ko ngayon? Grabe ang tibok ng puso ko. Para akong nahuli na nanloloko kay Jace sa pag-iisip pa lang ng ibang lalaki bukod sa kanya. Mali ito. Mali ito.

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon