♀♀ Chapter 35: LEVEL-UP, MAN-UP AYA!
✉Thankyou sa mga bomoto at mga nagkumento. Haha natutuwa talaga ako sa mga comment niyo dinaig pa niya yung madaming votes kong chappies na pinost. Nakakainspire :) medyo BV pa naman ako sa work ko ngayon pero dahil sa mga comments niyo napapangiti at ginagahan ako magupdate awwww hehehe.
= = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = ==
✎SUNSHINE’s POV
“Haaaa?” napanga-nga ako sa sinabi niya ha! Si Aya may gusto sa akin??? “Kailan ko ba masusubo at mangunguya itong relyenong bangus na ginawa ni Belle? Pinagtritripan niyo ata ako para hindi ako makakain ha”
Biglang tumayo si Aya at pumunta sa may kitchen, pagbalik niya nagulat ng lang ako ng ginawan niya ako ng sawsawan ng isda. Nginitian niya ako at sinabi pa niyang “Masarap yan dyan” haaaay Aya nawiwirduhan talaga ako sakanya! Napatingin ako kay Dawn gawain kasi niya ito sa akin nuon eh. Yung gagawan niya ako ng sawsawan, yung ipaghihimay niya pa ako. pero parang wala siyang pakielam ngayon. Her eyes was settled down while chewing her food. Ayaw ko ng basahin ang itsurang yan. Ayaw ko maging assuming! Binaling ko ulet kay Aya ang tingin ko Aya, kung magtatapat ka sana naman hindi yung agad-agad! Kakarating ko lang kaya? Sana man lang dinahan-dahan mo hindi ganitong biglang-bigla ako. haay naku mukhang pinagtritripan lang talaga nila ako. Sana trip nga lang ito… ayaw kong mawalan ng kaibigan, Aya. Natatakot ako na baka pag totoo ito, eh isang araw mawala ka din sa buhay ko tulad ng ngyari sa amin ng bestfriend ko.
Nagring yung phone ni Aya, nagexcuse siya at sinagot niya ito. Maya-maya pa nagpaalam siya sa amin na tinawagan daw siya sa trabaho. Pumasok siya sa room naligo, at nagbihis.
“Wala kang kadala-dalang bag, Shine?” biglang sabi ni Belle habang nagliligpit kami ng napagkaininan.
“Ay shet, oo nga! Hindi pa kasi sana ako uuwi haha kaso namali ako ng bus na sinakyan”
“Wushuu namiss mo lang si Aya!” pambubuyo niya pa. tsss. Anong si Aya? Yung girlfriend mo kaya yung namimiss ko. Pero dahil ayaw ko ma BV, hindi ko na siya pinatulan.
“May pasok pa naman ako bukas hahaha wala pa akong uniform na dala” siya namang bukas ng pinto at labas ni Aya. Nakafitted polo siya at saktong binubutones niya yung sa bandang kamay nito. Nagpalong back si Aya, gupit na matagal na niyang gusto. Aba at may buntot na din siya? at may hikaw pa siya sa kaliwang tainga niya. ohmygoodness Aya! Yan yung nagugustuhan ko sa tao lalo na yang hikaw sa left ear? Mygoodness! Ewan ko kung bakit… para kasi sa akin ang angas at hot tignan eh.
“Hoy!” biglang sipat sa akin ni Belle.
“May nasabi ba akong masama?” sabi ni Aya. Haaay hindi ko namalayan nakatitig na pala ako kay Aya.
“Wala. Itong katabi ko masama ang budhi” sabay turo kay Belle.
“Maka-budhi ka naman!”
>.> tss. Oh hindi. Sige wag ng budhi, mukha na lang ang masama Kainis eh! Kung naririnig mo lang utak ko ay nakuu.
“So ano?” sabi ni Aya
“Ano?” sabi ko.
“Hintayin mo na lang ako saglit lang naman ako may imeet lang akong client tapos I’ll drive you home para makakuha ka ng gamit”
-________- Aya, seriously?? You’re driving me crazy eh! Dati ni halos ayaw mo ipagalaw yang car mo para tipid pamasahe tapos???
“Ahh hindi sige. Magtataxi na lang ako”
VOCÊ ESTÁ LENDO
IF ONLY
Ficção Geral♀♥♀Tungkol ito sa dalawang taong mas piniling magmove on na lang at harapin ang kasalukuyan. Tungkol sa dalawang taong mas piniling wag ng lumingon sa nakaraan, at ipagpatuloy ang buhay kahit na wala na ang isa't-isa. Tungkol ito sa mga taong takot...
