Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte

Chapter 03: Love is Exclusive

39.6K 2K 700
                                    


"Amy, alam mo kung nasa'n si Warren ngayon?" tanong ni Libby sa 'kin.

Inalis ko sandali ang mata ko sa laptop ni Warren kung saan ko pinanonood ang news clips ng buong block namin para sa live reporting. Nasa Performance Studio kami. Nakapuwesto ako sa conference table sa likuran ng studio, nagno-note para sa script na isusulat ko. May isang linggo na lang kami bago ang performance.

"Uhm... hindi, eh." Pagkatapos kong hiramin ang laptop ni Warren, hindi ko na alam kung nasa'n siya. Pero... "Parang may tumawag yata sa kanya kanina? Galing sa tennis club ba 'yon?"

Lumapit sina Gwen at Roxie at tumabi kay Libby.

"Kausap ni Warren 'yong isang girl sa Block D," sabi ni Gwen.

"Ah."

"Seryoso sila," dagdag ni Roxie.

Napatango lang uli ako at napasulyap sa laptop. Ano'ng gagawin ko kung may kausap na babae sa Warren galing sa Block D at kung seryoso sila? Parang may ine-expect kasi sila sa 'kin. Hindi ko naman alam. Dapat deretsuhin na lang nila kung may ipagagawa sila.

"Amethyst..." tawag ni Libby na nagpabalik ng mata ko sa kanya, "hindi ba humingi ng tulong sa 'yo 'yong girl or something? Parang nagko-confess kasi kay Warren."

"Ah. Sino bang girl?" usisa ko. 'Yon pala ang pinoproblema nila: confession.

"Georgette yata name no'n?" sabi ni Roxie. Sila nina Libby ang nagtitinginan.

Wala namang Georgette na humingi ng tulong sa 'kin para kay Warren. Pero dahil mukhang hindi sila mapapalagay, tumayo na lang ako.

"Nasa'n ba sila?" ani ko. "Silipin ko 'yong girl?"

"Nasa tapat lang sila ng auditorium."

Malapit lang ang auditorium sa studio namin. Isang hall at isang pakanan lang.

"Sige, puntahan ko lang."

Napatango sila. Alam kong ang concern nila ay baka magka-girlfriend si Warren. Wala pang nagiging girlfriend si Warren mula nang mag-college kami, kahit na marami nang nagbigay ng love letters sa kanya at nag-confess na may gusto sa kanya. May iba na humingi pa ng tulong sa 'kin para magpalakad pero tinanggihan ko. Sa Wattpad kasi, nakikita ko sa mga stories, kung sino ang nag-aastang tulay, 'yon ang nakakatuluyan. Kung hindi naman nakakatuluyan, nagiging dahilan ng miscommunication tapos nahihirapan ang mga bida. Ayokong magkaroon ng miscommunication si Warren sa babaeng magugustuhan niya.

May mangilan-ngilang babae papunta sa auditorium na napatingin sa 'kin. Nakilala ko 'yong iba. Mga may crush kay Warren.

Grabe si Warren. Alam kaya niya na para na siyang si Robin na crush ng school no'ng high school kami? Feeling ko, hindi niya alam.

Malayo pa 'ko, napalingon agad si Warren sa gawi ko. Passive ang mukha niya. Pero dahil nakatayo siya na parang gusto niyang sumandal saanman at nakapamulsa sa pants niya, siguradong inaantok na siya. Maliit lang akong kumaway.

Napalingon din sa 'kin ang kausap niya. Natigilan ako. Nangilala.

"Mariejo?" tanong ko nang makalapit sa kanila.

Hala. Nakalapit ako kahit ayoko dapat.

"May problema sa laptop?" tanong ni Warren.

Kumumpas ako ng kamay kay Warren. Mamaya na siya. "Wait lang." Kay Mariejo ako curious. "Mariejo? Ikaw nga?"

Tumango ang payat na babae sa harapan ko.

Payat. Unbelievable na payat!

"Ang payat mo na!" sabi ko.

Clueless (Candy Stories #3) (Published by Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon