EULII17

5.5K 175 32
                                    


-

"Sheena, contact Ms. Laxamana. We're having a big---big party."

-

Third Person's POV

Hindi niya namalayan na nabangga na siya sa salamin dahil sa pagmamadali.

Mula sa kaniyang posisyon, nakita niya sa loob ang moderno at makabagong mga upuan at mahabang lamesa na mayroong mga mikropono.

Tanging puti at itim lamang na kulay ang bumubuhay sa loob ng silid. Itim ang lamesa at puti ang mga upuan.

"Please stand properly" sabi muli ng boses at ginawa naman iyon ni Eul. Muling lumabas ang asul na ilaw na tila laser na naglakbay sa kaniyang buong katawan.

"Welcome to Deep 16 Mr. Eul Justine Espinosa. Please come in" muling turan ng boses. Bumukas ang sliding door at kasabay noon ang pagkawala ng imahe ng kaniyang ama.

"Dad?" Tanong niya.

Pinasok niya ang loob at nilibot ang paningin. Wala ni isa ang naroroon. Wala ni isa siyang kasama.

Nadako ang paningin niya sa dulong upuan. Agad siyang naglakad patungo roon at umupo. May kung anong dahilan ang humahatak sa kaniya patungo sa upuan na iyon.

"Eul, anak..." nang marinig ang pamilyar na boses ay sa kung saan-saan siya tumingin, pilit na hinanap ang kaniyang ama.

"Eul..." sa muling pagtawag, lumitaw ang imahe ng kaniyang ama sa kaniyang harapan. Agad na tumulo ang kaniyang luha. Base sa video na nasasaksihan, mismo sa kaniyang kinauupuan ni-record ito.

"Eul, nandito ka sa Deep 16. Ang pinaka-tinatago-tago, pinaka-iniingatan at pinaka-importanteng pagmamay-ari ng ating kumpanya." Panimula ni William.

"Sa oras na mapanood mo ito, wala na kami ng mom mo... hindi namin alam kung paano kami mawawala... anak, ikaw na ang bagong may-ari ng kumpanya. Sa pag-upo mo sa kumpanya, maraming kakalaban sa iyo. Maraming magtatangkang saktan ka o patayin ka..."

"Dinesenyo ang Madrigal-Espinosa Special Security Agency para protektahan ang pamilya natin, at mula sa lolo mo, ginawa ang Deep 16 para walang kumalaban sa mga Espinosa"

"Alam ng Deep 16 ang lahat... kahit na ang pinaka-sinisekreto ng mga tao... Ito rin ang dahilan kung bakit patuloy tayong nangunguna sa lahat. At ngayon, ikaw lang ang susundin ng Deep 16. Ikaw lang ang makakapag-pasunod sa Deep 16."

"Eul, anak... malaking pasanin ang posisyon mo ngayon, delikado ang buhay mo. Sa loob ng limang taon na nasa ibang bansa ka, wala akong ginawa. Mas pinili ko na doon ka tumira kaysa makasama kami."

Unti-unting pumatak ang mga masasaganang luha mula sa mga mata ni Eul na ngayon ay namumula na. Bumubuhos ang emosyon. Pabigat nang pabigat.

"Eul, gusto ko lang malaman mo na hawak mo na ang lahat ngayon, walang oras para sayangin. Alamin mo kung sino ang dapat mong pagkatiwalaan."

"Tutulungan ka ng Deep 16 sa lahat ng bagay. Tanging Espinosa lang ang susundin niya at isa kang tunay na Espinosa."

"Eul, magpaka-tatag ka... wala na kami ng mom mo... wala nang sasakal sa iyo... mahal na mahal ka namin anak"

At natapos ang lahat. Tanging hikbi lamang ni Eul ang maririnig. Mga hingang malalalim at pasimpleng ubo dahil sa bigat na nararamdaman.

"Eul, I'm Deep 16. All secrets, all... you wanna know?"

-

"Hello?" Bungad ni Sheena sa kaniyang telepono.

"Where's Eul?!" May irita sa boses mula sa kabilang linya. Kumunot ang noo ni Sheena dahil sa narinig.

"Hmmm... Mr. Pangilinan, he's having a meeting here at ME SSA Headquarters" paliwanag ni Sheena.

"With whom?" Sunod na tanong ni Kean.

"Hmmm..." sabi ni Sheena sabay tingin kay Mr. Pontigon. "With Mr. Pontigon sir." Pagsisinungaling ni Sheena.

"Okay, after ng meeting, dumiretso kayo sa mansion" sabi lang muli ni Kean at pinatay na ang tawag.

"Kala mo kung sino eh---" turan ni Sheena sa pagka-irita.

"Mr. Pontigon, asan na ba kasi si Mr. Espinosa? Kanina pa tayo naghihintay dito" tanong ni Sheena.

"Chief Serrano, please wait..." sagot lang ni Mr. Pontigon.

Habang tumatagal ang oras, hindi na mapakali si Sheena dahil sa tagal ni Eul lalo na't wala itong kasamang ni isang bodyguard.

"President Pontigon, seriously, where's Eul?" May otoridad na tanong ni Sheena. Bilang Chief-of-Staff, may karapatan siyang kumilos at magtanong para malaman kung ano nang nangyayari kay Eul.

"Chief Serrano, just wait, he's here at ME SSA Headquarters. Nothing's gonna happen to him." Sabi muli nito. Umupo ng maayos si Sheena dahil sa irita.

-

"I can---"

"Stop" pagpapatigil ni Eul sa pagsasalita ng Deep 16. Tumayo siya at hinarap ang bibig sa mikropono sa kaniyang harapan. "I'm tired." Sabi muli ni Eul.

"Okay, always remember, Deep 16 is only for real Espinosa and nothing more."

-

Lumabas si Eul mula sa elevator na hawak ang sintido dahil sa pagkahilo sa dami ng impormasyong nalaman.

Nakita siya ng mga bodyguards kaya't agad siyang inalalayan upang maka-ayos ng tayo.

Sina Sheena, Mr. Ong at Mr. Pontigon naman na nasa isang silid ay dali-daling tumakbo nang makita si Eul na lumabas ng elevator.

"Eul, okay ka lang?" Tanong ni Sheena sabay alalay sa kaibigan.

Tanging pagtango lang ang nagawa ni Eul sa kaibigan.

"Let's go home" sabi lang ni Eul sabay tayo ng maayos. Huminga ng malalim at nilibot ang paningin sa lugar na kinatatayuan niya.

"Eul, tumawag si Kean and sabi niya, diretso daw sa mansion mamaya" muling sambit ni Sheena.

Hindi sumagot si Eul at dire-diretsong naglakad palabas ng headquarters. Nanatili namang nakasunod sa kaniyang likod sina Sheena, Mr. Ong at Mr. Pontigon kasama na ang mga bodyguards.

Naunang pumasok sina Eul, Sheena at Mr. Ong sa sasakyan at sumunod naman ang iba pang mga bodyguards sa iba pang mga kotse.

Nanatiling nakatayo si Mr. Pontigon sa labas habang tinitignan ang paalis na sasakyan ni Eul.

Si Eul naman ay nakatingin lamang sa labas dahil sa magulo niyang isip. Maraming ideya ang pumapasok sa utak niya.

Marami siyang binabalak na gawin, marami siyang gustong sabihin.

Pumikit at huminga ng malalim si Eul at nagpakawala ng buntong hininga bago tumingin kay Sheena na kasalukuyang katabi niya bago magsalita.

"Sheena, contact Ms. Laxamana. We're having a big---big party."

-

Itutuloy

-

EUL II - Revenge [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon