EULII18

11K 295 459
                                    


-

"Ewan? Blangko yung papel eh."

-

Third Person's POV

"San ka galing?" May otoridad na bungad ni Kean kay Eul pagpasok nito sa mansion.

Nasa likod niya sina Sheena at Mr. Ong. Napatingin si Eul kay Kean at naningkit. Dahil sa pagod, hindi niya na ito nilapitan pa at naglakad na patungo sa kaniyang kwarto.

"I am talking to you!" Napatigil si Eul sa paglalakad nang umalingaw-ngaw ang sigaw ni Kean at ilang sandali lang ay nakahawak na ito ng mahigpit sa braso niya.

Agad na gumalaw si Mr. Ong at hinila si Kean palayo kay Eul pero agad na sinalubungan ito ni Kean ng sapak.

Napaatras si Mr. Ong at muling lalapit sana kay Kean nang bigla itong sinenyasan ni Eul na tumigil na.

Nagsimula na si Eul na maglakad patungo sa kaniyang silid habang inaalalayan ni Sheena. Si Kean naman ay sumunod sa dalawa matapos niyang tignan ng masama si Mr. Ong.

Nang makapasok sa silid, si Eul nalang at si Kean ang dumiretso papasok.

"Don't tell me you let Spiro to enter the Company?!" May gigil na pagkakasabi ni Kean at umupo sa couch. Si Eul naman ay dumiretso sa walk-in closet niya at naghubad upang magbihis.

Hindi siya sinagot ni Eul at tuloy parin ito sa pagbibihis niya.

"Why?! Huh? Why?!" Bulyaw nanaman ni Kean at agad na tumayo at mabilis na naglakad patungo kay Eul na kasalukuyang sinusuot ang damit nito.

Hindi parin siya pinansin ni Eul.

Dahil sa inis, hinablot ni Kean ang magkabilang braso ni Eul at sinampa ito sa pader. "Sagutin mo! Bakit mo pinabayaan na makapasok si Spiro sa kumpanya!" Singhal muli ni Kean.

"Ano ba?! Kanina ka pa sigaw ng sigaw! Ano bang problema mo?!" Singhal pabalik ni Eul na pilit na kumakawala sa mahigpit na kapit ni Kean.

"Kailan mo balak sabihin sa akin? Huh?! Kailan? Kung di ko pa siya nakausap kanina, hindi ko malalaman!" Sigaw nanaman ni Kean. Nagrindi ang taenga ni Eul at nagawa niyang makawala sa mahigpit na hawak ni Kean sa kaniya. Agad niya itong pinasalubungan ng nakaririnding sampal.

"Wag mokong sigawan! Ano ba?! Big deal ba yun sa'yo? Ano bang pinuputok niyang butsi mo?!" Sigaw ni Eul at tinuloy ang pagsusuot ng damit habang naglalakad palabas ng closet niya.

"Malaki bang kawalan kung makapasok siya sa kumpanya? At isa pa... matagal na nating alam na ang mga Villafuerte ay minor shareholders ng kumpanya. Anong big deal sa'yo?!" Dugtong pabalik na sigaw ni Eul.

Ang sigawan ay rinig sa labas ng kwarto. Akmang kikilos na si Mr. Ong para pasukin ang kwarto pero pinipigilan siya ni Sheena.

"Ano Kean? Bata ka pa ba?!" Iritang sabi ni Eul kahit di nakatingin sa nobyo.

"Nagseselos ako." Maikling sabi ni Kean pero malakas. Napatigil si Eul sa paglalakad at napalingon kay Kean na ngayon ay nakayuko nalang.

Lumapit siya sa nobyo at hinalikan ito sa pisngi. "Babe, ikakasal na tayo oh! Ilang linggo nalang, kasal na tayo. Ano pa bang pino-problema mo?" Mahinahon sa sabi ni Eul. Tinaas niya ang ulo ng nobyo at saglit na hinalikan ito sa labi.

"Di pa ba sapat na nandito ako sa harapan mo?" Dugtong muli ni Eul.

Maya-maya'y gumuhit ang ngiti sa labi ni Kean at agad na hinaltak muli si Eul para yakapin siya at sisirin ng halik.

Nagsalo ang dalawa sa mainit na halikan hanggang makatungtong sa higaan.

"Babe, sorry." Sabi ni Kean sa pagitan ng halikan nila ng nobyo.

Tumango lamang si Eul at nginitian siya.

"I love you" sambit ni Kean kay Eul at sinubsob muli ito ng halik.

-

"Babe, we're having a big party in two days..." bigkas ni Eul habang nakasandal sa nobyo at nilalaro ang dibdib nito. "I'm planning na doon na natin sabihin yung kasal natin..." sabi muli ni Eul.

Hinalikan muli siya ni Kean at ngumiti ng napaka-tamis. Tumingin si Kean sa kisame at ngumiti bago bumalik ang tingin kay Eul. "Sa wakas!... Magiging asawa na kita! HAHAHA" Hindi magkamayaw na sabi ni Kean.

Agad siyang gumalaw at dinaganan si Eul. Hinalikan ito sa kanang pisngi at "Magiging Mr. Pangilinan ka na rin" sa kaliwa "Hindi na ako makapaghintay!" At sa labi "I love you so much Eul" at ngumisi si Kean.

"I'm so---excited!" Pakawala ni Kean sabay alis sa pagkakadagan sa nobyo at yakap dito.

-

Nagising si Eul sa bisig ni Kean. Pinagmasdan niya ang nobyo at napangiti nang madako sa isip ang mangyayari sa kanila sa mga susunod na linggo.

Matagal na rin siyang naghintay para sa araw ng kasal nila. Sa pagiisip ay nadako ang atensiyon niya sa kaniyang teleponong tumutunog sa ibabaw ng lamesa.

Dahan-dahan siyang kumawala sa yakap ng kaniyang nobyo at umupo sa kama.

Kinuha ang telepono at sinagot ang tawag.

"Mr. Espinosa, I'm Alex, Alex Laxamana---" bungad ng nasa telepono.

"---Oh... yes... yes..." mahinang sabi ni Eul nang malaman niyang ito ang kaniyang hinihintay.

"Ms. Serrano told me about the big-party you want and I would like you to know that I've done the interior of it. Would you want to take a look?" Mahabang sabi ni Alex.

"No. Don't mind... just do what you want, I trust you." Sagot naman ni Eul.

"Yes Mr. Espinosa. I will not disappoint you."

Napangiti si Eul sa binigkas ni Alex at pasimpleng nagsalita.

"Yes. Don't you dare."

-

Kinabukasan, magkasabay na nagsasalo ang mag-nobyo sa pagkain sa dining area. Maaga nagising si Eul kaya't siya ang naghanda ng agahan nila.

Pinagpahinga niya muna ang mga tauhan nila kahit na saglit lang at syempre gusto niyang mag-effort kahit ngayon lang sa nobyo.

"Babe, atleast, marunong ka magprito ng hotdogs and bacon." May himig na pangaasar ni Kean kay Eul.

Napatingin si Eul sa nobyo na patuloy parin na kumakain. Naghihintay ng magandang reaksyon mula rito.

"Masarap naman..." napangiti si Eul sa narinig ngunit parang hangin na tinangay ito nang "masarap yung proccessed food." Sabi ni Kean sabay tango-tango.

Nagtaas ang kilay ni Eul sa narinig. Magre-react na sana siya kaso biglang may dumating.

"Sir Eul, may sulat po galing sa labas." Basag ni Mr. Ong. Kasunod niya si Sheena na nakangiti at kumindat kay Eul.

"Anong sulat?" Tanong ni Eul.

"Kanino galing?" Tanong naman ni Kean.

Nagkibit-balikat si Mr. Ong sabay "Walang nakalagay sir."

Kinuha ni Eul ang sulat at binuksan ang sobre. Maliit lang ang papel sa sobre pero hindi niya maitago ang pagtataka na rumihistro sa kaniyang mukha nang mabasa ang nasa papel.

I'm coming Eul, wait for me. Mahinang basa niya sa nakasulat kasabay ng kaniyang kilay na nakataas sa pagtataka.

"Anong sabi?" Taka naman ni Kean.

Nagkibit balikat lang si Eul bago nagsalita. "Ewan? Blangko yung papel eh."

-

Itutuloy

-

EUL II - Revenge [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon