Wattpad Original
Mayroong 15 pang mga libreng parte

1-Please Forgive Me

132K 2.1K 95
                                    

Prologue

AYAW nang patagalin pa ni Annika ang paghingi ng tawad kay Walter. She already wasted four years. She couldn't wait for another four years to ask for his forgiveness. Mula sa school at sa part-time job na pinapasukan ng binata ay sinundan niya ito. Wala pa siyang ideya kung saan ito umuuwi. Nang makita niya itong pumara ng jeep ay inutusan niya ang kanyang driver na buntutan lang ito.

Nanlumo siya nang matuklasang bumalik ito sa dating bahay. Malayo iyon sa unibersidad na pinapasukan nito. Nakaramdam siya ng awa rito. Ang oras na dapat ay ipinapahinga na lamang nito ay nauubos pa sa pagko-commute pauwi.

Bumaba siya ng sasakyan upang sundan ang binata.

"Ma'am, sasamahan ko na po kayo," may pag-aalalang wika ng kanyang driver.

"Huwag na ho, Mang Ernie. Ayos lang po ako."

"Pero, Ma'am, napakarami hong tambay riyan sa daraanan niyo. Baka kung mapaano kayo," may pag-aalalang wika ng may singkuwenta anyos na driver.

Hinayon nito ng tingin ang eskinitang daraanan niya papasok bago makarating sa bahay nila Walter.

Nginitian niya lang si Mang Ernie upang i-assure ito.

"Harmless po sila, huwag kayong mag-alala. 'Yong kotse natin ang bantayan niyo at baka 'yan ang mawala. Lagot tayo kay Kuya Zeke."

Kahit mukhang atubili ay napatango na lang ang driver.

"Magte-text po ako sa inyo. Hintayin niyo na lang."

"Sige po."

Lumakad na siya. Tantiya niya ay may dalawang dipa ang luwang ng eskinita. Pero kaliwa't kanan niyon ay okupado ng mga tambay, babae't lalaki, bata at matatanda. 'Yong iba ay mukhang mga nagtsi-tsismisan, may nagkukutuhan at may mga nag-iinuman. Sinabi niya lamang sa driver na harmless ang mga ito upang hindi mag-alala sa kanya. Pero ang totoo ay natatakot din siya. Lalo na iyong mga lalaking kung makatingin sa kanya ay para na siyang hinuhubaran.

"Miss, saan ang punta mo?"

"D-d'yan lang po," natatakot niyang tugon bago dire-diretsong lumakad.

"Samahan na kita," wika no'ng isang tumayo para sumabay sa kanya.

Napahigpit ang hawak niya sa kanyang sling bag at lalo pang tinulinan ang lakad.

"Uy, Miss."

Dinig niya ang paghabol nito mula sa kanyang likuran. Parang tinambol ang dibdib niya sa kaba.

"Jepoy, ano ang problema?"

Muntik nang mabangga si Annika nang sukat sumulpot sa unahan niya si Walter.

"Uy, Boss Pogi. Bisita mo ba 'yan?"

Nang tingnan ni Walter si Annika ay parang napapasong napayuko ang dalaga.

"Pasensya na, Boss Pogi. Ihahatid ko sana kaso mukhang natakot. Tagay ka muna."

"Dito ka lang."

Nang mag-angat ng tingin si Annika ay naglalakad na papunta sa umpukan ng mga tambay si Walter. Nakipaghuntahan ito saglit sa mga lalaking nag-iinuman at nakitagay. Pagkuwa'y naglakad na itong pabalik sa kanya.

Napayuko na naman si Annika. Nagulat na lang siya nang abutin ni Walter ang braso niya at hilahin siya papalayo roon. Binitiwan lang siya nito nang nasa harapan na sila ng bahay nito.

"Ano ba kasi ang ginagawa mo rito? Gusto mo bang tuluyang ma-rape?"

"G-gusto lang naman k-kitang makausap."

"Ano pa ba ang kailangan nating pag-usapan? Nadisgrasya mo ako four years ago at tinakbuhan. Napilitang magbenta ng katawan ang ate ko para maisalba ako. Hindi birong kahihiyan at panlilibak ang pinagdaanan ng kapatid ko nang bigla na lang lumobo ang kanyang tiyan. Pero alam mo kung ano ang pinakamalupit, iyong halos dinudugo pa siya pero pinipilit niyang maghanap-buhay para lang may maipangtawid kami sa araw-araw. Tapos ano? Ini-expect mo bang kapag humingi ka ngayon ng sorry ay magiging maayos na ang lahat?"

The Heiress and the PauperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon