Wattpad Original
Mayroong 14 pang mga libreng parte

2-The New Boarder

77.7K 1.7K 55
                                    

Chapter One

"ARE you crazy? Ano na naman bang kalokohan ang pumasok d'yan sa kukote mo?" kulang na lang ay bumuga ng apoy ang bibig ni Zeke sa mungkahi ni Annika.

Desperada itong makuha ang kapatawaran ni Walter. Sukdulang pagsilbihan ang binata ay gagawin nito.

"That's the only way, Kuya. Think of it like a community service. Di ba sa ibang bansa iyon ang parusang ginagawa nila. It is a very light punishment kung iisipin ang kasalanang nagawa ko sa kanya."

"This is crazy!"

"Kuya, please."

"No!"

"Kuya..."

Nakita ni Zeke ang desperasyon sa mukha ng kapatid.

"Fine. I'll give you a month."

Napangiwi ito. "Three months."

"What? Community service lang ba talaga ang pakay mo o gusto mong magbahay-bahayan kasama si Walter?"

"Kuya?!" namumula ang mukhang pinandilatan siya ng kapatid.

"Siguruhin mo lang, Annika Myles, na walang ibig sabihin ang balak mong pagtira roon kasama ni Walter."

"Mas gusto mo bang ginawa ko na lang ito nang hindi nagpapaalam sa'yo?" tila may pagdaramdam na wika ng dalaga.

Isang masamang tingin ang natanggap nito mula kay Zeke.

"Hon, from time to time naman ay bibisita ako ro'n. At sisiguruhin kong walang mangyayaring lihis sa propriety," ani Willa sa asawa.

Isang ungol ang tanging lumabas sa bibig ni Zeke sa sinabi ng asawa. At kapag ganoong nagsalita na si Willa ay wala ng dapat pag-usapan pa, tapos na ang diskusyon.

Nang araw ding iyon ay nag-impake ng mga damit si Annika at inihatid ng driver sa dating tahanan nina Willa na ngayo'y okupado na ng nakababatang kapatid nito. Si Walter.


"HI! Welcome home."

Ang pagpasok ni Walter sa bahay ay naudlot nang bumulaga sa kanya ang nakangiting si Annika.

"You look tired. Gusto mo na bang kumain? I brought some food."

"Ano ang ginagawa mo rito?" nang makabawi ay tanong niya.

"I told you, babalik ako, remember? At dito na muna ako titira."

"Sino ang may sabi?" gustong umusok ng ilong niya sa sinabi nito. "Alam ba ito ni Kuya Zeke, ni Ate?"

"Yeah. Ipinahatid niya ako rito kanina."

"Anak ng...!" napatalikod siya rito at bugnot na nahagod ang buhok. "Bakit?"

"What do you mean?"

"Bakit dito ka titira? E, di ba ang laki-laki ng mansion ng Mommy mo. Kahit ilang condo ang hingiin mo sa mga kapatid mo ay kayang-kaya ka nilang bigyan maski sampu. Kaya bakit dito ka titira?"

"Because you're here. Pagsisilbihan kita."

"Ano'ng sinabi mo?"

"P-pagsisilbihan kita."

"Alam mo ba kung ano ang sinasabi mo? Gusto mo ba talagang magkagulo ang mga kapatid natin?"

"I-I don't know w-what you mean?"

"Hindi mo alam o nagtatanga-tangahan ka lang?"

"Walter..."

Mabilis niyang tinawid ang distansyang nakapagitan sa kanilang dalawa. Napaatras ito. Sa kaaatras nito ay nasukol niya ito sa dingding. Nakita niya ang hirap nitong paglunok habang pilit na sinasalubong ang kanyang mga mata. Itinuon niya ang isang kamay sa dingding upang i-trap ito.

The Heiress and the PauperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon